"University of Pulubi!" Drew Olivar, may maanghang na birada laban sa mga mag-aaral ng UP

"University of Pulubi!" Drew Olivar, may maanghang na birada laban sa mga mag-aaral ng UP

- Kumalat muli ang isa pang video ng sikat na blogger na si Drew Olivar na kung saan ay mariin niyang pinatutsadahan ang mga mag-aaral ng University of the Philippines

- Inupload ang nasabing video na naging viral agad sa social media dahil sa kanyang mga hinaing laban sa mga Iskolar ng Bayan na mahilig daw tumuligsa sa gobyerno

- Ayon sa kanya, hindi raw dapat maglakas ng loob na magmabayang sa pagkontra kay Duterte dahil pinapaaral lang sila umano ng pamahalaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa gitna ng pumutok na isyu ukol sa isang viral vlog ni Drew Olivar laban kay Vice President Leni Robredo, niyugyog na naman ng isa pa nyang nakaraang vlog ang social media patungkol sa mga estudyante ng University of the Philippines.

Nalaman ng KAMI na mayroon pa palang isang viral na video ang sikat na blogger na si Drew Olivar matapos na kumalat sa social media at sa malalaking pahayagan.

Ayon sa kanya, nagmamagaling daw umano ang ilang mga estudyante ng pambansang pamantasan dahil sa kaka-rally at kakatuligsa raw nila sa lahat ng hakbang ng kasalukuyang administrasyon.

Sinimulan nya ang kanyang vlog nang sabihing, "Sige, titirahin natin 'yang mga taga-UP dyan, 'yung mga ibang taga-UP, na naggaganda-gandahan, nagyayabang-yabangan, 'di ba?"

Tinawag pa niya ang mga ito na mga taga "University of pulubi," saad niya sa vlog. Ito ay dahil daw umano sa kanilang pagmamalaki laban sa gobyerno na siyang nagpapaaral sa kanila.

Kanya ring banat na hindi raw niya sasagutin ang lahat ng ipupukol sa kanya kapag Ingles. "Para sabihin ko sa inyo, pagkatapos ng video na 'to, nako, hindi ako magrereply kapag English," biro ng blogger.

Sinabi pa ni Olivar na kaya lang naman daw nakapag-UP ang mga tinutukoy niya ay dahil nakapag-review lang daw sila ng UPCAT reviewer, kaya naipasa ang UPCAT.

Tumagal ang video ng halos limang minuto at pinagmumura niya rin ang isang taga-UP na gumawa umano ng eksena sa isang public place.

At ayon sa kanya, dapat daw ay tumanaw ng utang na loob ang mga taga-UP imbis na punahin daw nang punahin ang ating pamahalaan na nagpapaaral sa kanila.

Panoorin ang nasabing viral video sa ibaba:

This guessing game in The Philippines presents various words that need to be guessed. Can you guess what they are? A few strangers on the street are asked to complete different words with some of them being quite funny and awkward. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Buwis buhay para sa friendship! 2 Pinay, tinulungan ang kaibigan nilang ikinulong ng amo

Buwis buhay para sa friendship! 2 Pinay, tinulungan ang kaibigan nilang ikinulong ng amo

Buwis buhay para sa friendship! 2 Pinay, tinulungan ang kaibigan nilang ikinulong ng amo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel