Dating OFW, isa na ngayong malaking biyaya sa mga kababayan niyang magsasaka

Dating OFW, isa na ngayong malaking biyaya sa mga kababayan niyang magsasaka

- Micro-lending business ang pinasok na negosyo ni Rosie Aleta na nakatuutlong sa mga kapwa niya magsasaka

- Mula nang siya ay bumalik sa bansa sa pagiging OFW, naisipan niyang pasukin ang ganitong pagkakakitaan para makatulong na rin daw sa iba

- Matagumpay na rin siyang naging katuwang ng ng mga programang agrikultura ng kanilang bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matinding sakripisyo ang ginawa ni Rosie Oleta sa kanyang pamilya. Mula nang pumanaw ang kanyang mga magulang, siya na ang tumatayong 'bread winner' sa kanyang pitong magkakapatid.

Nalaman ng KAMI na nagtrabaho si Rosie bilang domestic helper sa Hong Kong. Tiniis niya ang lahat ng hirap sa pagtatrabaho abroad para lamang sa kanyang pamilya.

Mahigit isang dekada siyang papalit palit ng trabaho sa Hong Kong pero si niya ito ininda.

Ngunit sa di inaasahang pangyayari, kinailangan na siyang pauwiin ng kanyang mga amo abroad. Kaya naman, napilitang umuwi na ng Pilipinas si Rosie.

Dating OFW, isa ng ngayong malaking biyaya sa mga kababayan niyang magsasaka

source: supplied

At dahil sa kanyang pamilyang umaasa sa kanya, nag-isip ng ibang maaring pagkakitaan. Nagkaroon naman siya ng trabaho sa Pilinas bilang isang sa isang Insurance company kung saan maayos naman ang kanyang sinasahod sa araw-araw.

Ngunit sa kasamaang palad nagsara ang kompanyang ito noong 2011. Mabuti na lamang at may naipon si Rosie na siyang ginawa niyang puhunan. Naisip niyang magtayo ng micro-lending business na alam niyang makatutulong din sa kanyang mga kababayan.

Laking pasalamat ni Rosie nang malaman niya ang proyektong OF-ReD kung saan nakakuha pa siya ng dagdag kapital sa kanyang lending business.

Ngayon, nakapagpapahiram na rin si Rosie sa mga magsasaka na nangangailangan sa kanilang lugar ng mga pataba at iba pang kagamitan sa sakahan.

Umaabot ng Php15,000 - Php86,000 ang napapahiram niya sa mga magsasaka hanggang anim na buwan na bayaran at sa panahon ng anihan.

Dahil sa malaki talaga ang naitutulong siya sa mga magsasaka, naging katuwang na rin si Rosie ng mga mga programang agrikultura sa kanilang lugar.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Isang fan, hinamon si Manny Pacquiao ng suntukan sa isang event!

Isang fan, hinamon si Manny Pacquiao ng suntukan sa isang event!

Isang fan, hinamon si Manny Pacquiao ng suntukan sa isang event!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel