Throwback Thursday! Ang mga pretty, talented, at witty ladies na dating mga hosts Eat Bulaga

Throwback Thursday! Ang mga pretty, talented, at witty ladies na dating mga hosts Eat Bulaga

- Sa apat na dekada na nagmamayagpag ang noontime show na Eat Bulaga, marami na ding mga pretty, talented, at witty ladies na nakikilala at dumaan dito

- Ngayon, ang iba sa kanila ay nanatiling yumayagpag sa showbiz at sa pinilakang-tabing gaya nina Kris Aquino, Marian Rivera, Isabelle Daza, Solenn Heusaff at Toni Gonzaga

- Kaya ngayon, sa katatapos pa lang ng 40th anniversary ng EB ating silipin ang iilan sa mga nagagandahang dilag na naging parte ng longest running noontime show

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naispatan namin ang listahan ng cast ng Eat Bulaga through the years sa Ranker.

May iba sa kanila na kilala na natin na naging host ng EB pero may iba na hindi natin aakalain na dating hosts pa la ng longest running noontime show.

Sila ang mga nagagandahang, talented, at witty co-hosts dati ng Tito, Vic, and Joey.

Pero ngayon, magto-throwback tayo dito sa KAMI sa mga nagagandahang, talentadong dating TV hosts ng programa.

Sharon Cuneta

Naging co-host si Megastar Sharon Cuneta sa Eat Bulaga noong 1983 hanggang 1984.

Kris Aquino

Ang Queen of All Media na si Kris Aquino ay naging co-host din pala sa show noong 19888 hanggang 1989 at bumalik noong 2013.

Toni Gonzaga

Dito unang umusbong ang karera ni Toni Gonzaga sa paghohost at sumundo pa ang paglabas ng iba pa niyang talento gaya ng pagkanta, pagsayaw, pag-arte, at pag-indorso, kaya naman tinagurian siyang bilang The Ultimate Multimedia Star at ang iba ay kinikilala na siya bilang The Ultimate Multimedia Superstar, at kahit anong larangan ay talagang swabeng swabe ang galing niya.

Pero sa hosting ay palong-palo lang naman ang kanyang angking galing, hinakot na siguro niya lahat ng klaseng panalo when it comes to hosting, at kaya naman nabansagan din siya bilang "Host of all hosts."

Marian Rivera

Bago pa man dumating si Maine Mendoza sa "Juan For All, All for Juan" ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera

ang unang sumasama sa JoWaPao sa sugod bahay nila noong 2014 hanggang 2015.

Carmina Villaroel

Naging host din pala si Carmina Villaroel noong 1989 hanggang 1995 ng Eat Bulaga.

Ruffa Gutierrez

Ang 2nd princess ng 1993 Miss World ay naghost din pala sa Eat Bulaga noong 1995 hanggang 1998, at noong 2017, ay bumalik siya para maghost sa isang segment din ng noontime show.

Aiko Melendez

Naging host ang Bagani actress ng EB noong 1989 hanggang 1995.

Donna Cruz at Mikee Cojuangco

Ang dalawa sa lead actresses ng Do Re Mi film na sina Donna Cruz at Mikee Cojuangco ay parehong naging co-host ng Eat Bulaga.

Si Donna ay nagco-host noong 1995-1998, at si Mikee Cojuangco ay naging co-host noong

Charo Santos

Ayon pa sa balita ng GMA News Online, naging co-host si Charo Santos sa Eat Bulaga bago pa man mag-umpisa sa Maalaala Mo Kaya noong 1986 hanggang 1987.

Iza Calzado

Naging host ang malapit ng ikasal na si Iza Calzado ng Eat Bulaga noong 2011 hanggang 2012.

Bukod sa kanila ay marami pang mga kilalang mga bituin at ang iba namin ay mayroon ng mga pribadong buhay.

Patuloy pa rin ang pagmamayagpag ng Eat Bulaga simula noong 1979.

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Isang fan, hinamon si Manny Pacquiao ng suntukan sa isang event!

Isang fan, hinamon si Manny Pacquiao ng suntukan sa isang event!

Isang fan, hinamon si Manny Pacquiao ng suntukan sa isang event!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel