Drew Olivar, wala raw takot na haharapin ang kasong isasampa ng kampo ni VP Leni Robredo

Drew Olivar, wala raw takot na haharapin ang kasong isasampa ng kampo ni VP Leni Robredo

- Nagbigay naman ng matapang na pahayag si Drew Olivar dahil hindi raw niya uurungan ang kasong isasampa sa kanya

- Sobrang kabastusan na raw ang pinakita ng blogger na si Drew Olivar sa kanyang viral video, ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutierrez

- Ayon sa kampo ng pangalawang pangulo, kasong kriminal daw ang maaaring kaharapin ni Olivar dahil sa kanyang mga alegasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng balitang pinag-aaralan nang kasuhan ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang sikat na blogger na si Drew Olivar, hindi raw natatakot ang blogger sa bantang ito. Aniya, lalabanan pa raw niya ang kanilang kampo!

Nalaman ng KAMI ang naging tugon ni Olivar matapos muling kumalat sa social media at sa mga malalaking pahayagan ang noong viral video niya kung saan ay nagbitiw siya ng maaanghang na salita laban kay Vice President Leni Robredo at sa anak nito na si Aika.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, sinabi niya na 'nagpasiklab' lang umano sa South Africa si Robredo at puro lang daw pa-picture.

Ipinahayag ni Drew Olivar sa kanyang Facebook live video ang matapang niyang tugon sa nasabing balita. Aniya, madali lang naman daw magsampa ng kaso at 'yun daw ay kung kaya nilang ipanalo.

"Madali lang naman magsampa ng kaso. Ang tanong, kaya niyo bang ipanalo?"

Dagdag pa niya, matagal na raw itong tapos bunsod nang nahalukay lamang ng netizens ang nasabing video niya.

"Nakakairita 'yang fake vice president na 'yan ah, ano ba! 'Di ba? 'Di pa ba natatapos 'yan?"

Samantala, ayon naman sa tagapagsalita ng pangalawang pangulo na si Barry Gutierrez, sobrang bastos na raw ng mga inilabas na alegasyon ni Olivar. Aniya, maraming netizens na raw ang nag-uudyok sa kanilang kampo na kasuhan na ang sikat na blogger.

"Sobrang kabastusan na talaga ng allegations! In fact, 'yung iba nga nagdedemand na sampulan naman ito..."

Nilinaw rin ni Gutierrez na wala raw ginastos si Robredo sa biyahe niya patungong South Africa, na pawang isang round table discussion lang daw ukol sa paggapi sa katiwalian.

Isinaad din ng kanilang kampo na nakapasok ang anak ni Robredo na si Aika dahil sa scholarship, at walang na-involve na pondo ng pamahalaan dito. Anila, katatapos lang daw nito sa kolehiyo.

"'Yun ang kaniyang naging ticket para makapasok sa Kennedy School. In fact, naka-graduate na siya a few months ago, at nakabalik na rin siya sa Pilipinas."

Panoorin ang buong ulat mula sa News5:

POPULAR: More stories about Vice President Leni Robredo right here!

This guessing game in The Philippines presents various words that need to be guessed. Can you guess what they are? A few strangers on the street are asked to complete different words with some of them being quite funny and awkward. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel