Bembol Roco, may hinanakit nga ba sa direktor na si Brillante Mendoza?

Bembol Roco, may hinanakit nga ba sa direktor na si Brillante Mendoza?

- Marami ang naintriga sa naging pahayag ni Bembol Roco patungkol kay Direk Brillante Mendoza

-Makahulugan at tila may hindi magandang karanasan ang aktor

- Ayon pa sa kanya sa ngayon hindi niya nais magpapadirek uli kay Direk Brillante

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kabilang si Bembol Roco sa 30th film ni Direk Adolf Alix Jr., ang Madilim Ang Gabi. Isa ito sa walong full-length films na magtatagisan sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino nagyong buwan.

Hindi kagaya ng nakasanayang paggawa ng pelikula, wala umano itong script.

“Ang ginawa namin, may storyline lang kami. In-approach ko sila [mga artista], tapos, nag-discuss kami,” nakangiting lahad ni Direk Adolf sa presscon nitong Agosto 5, Linggo ng gabi sa Blue Rocket Cafe, Sct. Reyes St., QC." saad ng direktor.

Ang pelikula ay mukhang kaabang -abang dahilsa bigating casts nito na pinangungunahan nina Gina Alajar, Phillip Salvador at Bembol Roco na pawang beterano, premyado at respetado.

Pahayag naman ni Bembol, “It’s interesting. It’s different. Kakaiba. Pero di hamak naman na okay kay Adolf kung kay Brillante [Mendoza] lang.”

Dahil dito naitanong sa kanya kung ano ang niyang ibig sabihin.

“Huwag na. Lalalim, e... lalalim ang gabi,” pag-iling na sagot ng aktor.

Matatandaang nakatrabaho ni Bembol si Direk Brillante sa pelikulang Thy Womb (2012) kasama sina Nora Aunor at Lovi Poe.

Kaya naman nang makapanayam siya ng PEP matapos ang open forum inihayag niya ang kanyang saloobin.

“Personal opinion ko lang naman ‘yon,” aniya.

“O, Muslim kami. Bibigyan ako ng dialogue na Muslim. E, ano ako?! Muslim ba ako?! You expect me to deliver that line?!

“Hello?! Pakiramdam niya kasi, siya na ang pinakamagaling, e!”

Nang tanungin kung gusto niya pang makatrabaho ang direktor, ito ang kanyang naisagot: “I doubt it."

“Ayoko namang magsalita nang patapos, pero sa ngayon, pass na muna. I’d rather not.”

Samantala, ayaw naman magbigay ng komento ni Direk Brillantes nang padalhan siya ng mensahe ng isang online news portal upang hingan ng pahayag.

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na

12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na

12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel