JC de Vera, ibinahagi ang plano sa church wedding matapos amining kinasal na sa huwes

JC de Vera, ibinahagi ang plano sa church wedding matapos amining kinasal na sa huwes

- Inamin ni JC de Vera na ikinasal na siya sa ina ng kanyang anak na si Baby Lana via civil rite

- Pinaplano naman nilang magpakasal na sa simbahan ngunit wala pang siguradong schedule sa ngayon dahil nakadepende pa daw iyon sa itatakbo ng kanyang trabaho

- Nakakatuwa naman ang aktor na gusto ay sabay maglalakad sa isle ang kanyang mag-ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Malapit na matapos ang teleseryeng Since I Found You kung saan kabilang ang aktor at ngayon ay isa nang ama na si JC de Vera.

Mag-aapat na buwan na ang baby girl ni JC na si Lana next week at walang kasing-saya ang aktor sa kanyang buhay ngayon as a father and as a husband.

Inamin niyang ikinasal na sila ng ina ng kanyang cute na cute na anak sa huwes at pinaplano na ang kanilang kasal sa simbahan.

“‘Yung church wedding, depende ‘yun sa itatakbo ng aking trabaho, kasi siyempre, hindi naman ‘yan basta-basta, ‘di ba? Ayaw naman naming planuhin lang siya nang mabilisan, so, gusto talaga namin, ‘yung dream talaga naming ‘yung gusto naming gawin for that day. And hindi ko pa sure talaga kung ano ‘yung itatakbo ng trabaho ko,” saad ng aktor.

Ito ay dahil gusto niyang asikasuhin ang kasal at maging hands on sa preparations.

“Gusto ko, kasama ako sa planning, eh. Gusto namin, ready kami,” sabi pa nito.

Baka tumagal pa ito dahil nais nilang antayin na nakakapaglakad na ang anak nila.

“Gusto ko, side by side sila (na naglalakad papunta sa altar) nung partner ko. Gusto ko sabay sila. Parang dalawa silang pakakasalan ko, parang ganu’n,” saad niya.

Si JC de Vera ay isa sa mga hinahangaang aktor ng Kapamilya network dahil sa husay niya sa pag-arte. Ilang buwan pa lamang ang lumipas mula nang inamin niya at ipinakilala ang kanyang anak sa kanyang non-showbiz partner.

POPULAR: Read more about JC de Vera here

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na

12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na

12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel