Isang panalo na lang ang kailangan at pasok na ang Batang Gilas sa FIBA U19 World Cup berth

Isang panalo na lang ang kailangan at pasok na ang Batang Gilas sa FIBA U19 World Cup berth

- Ayon nga sa balita sa sports, ang Batang Gilas ng Pilipinas ay isang panalo nalang para umabot sa FIBA U19 World Cup berth

- Ang mga batang basketbolista ng Team Philippines ay kailangan na lang umano ng isang panalo laban sa Chinese Taipei o Bahrain para maka-advance sa world stage

- Tila maganda nga ang kinabukasan na naghihintay sa basketball team ng Pilipinas, dagdag pa sa balita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita na hatid ng Rappler, maganda raw ang kinabukasan ng Pilipinas sa larong basketball at ito ay dahil sa ating Philippine basketball youth team, ang Batang Gilas.

Kailangan lang nila ang isang panalo para makaabot sa FIBA U19 World Cup berth, saad pa sa balita ng news source, ayon sa napag-alaman ng KAMI.

Ang Batang Gilas ay naglagay ng panalo sa FIBA ​​Under-19 World Cup berth matapos ang mainit na pagsisimula sa FIBA ​​U18 Asian Championship sa Nonthaburi, Thailand.

Dugton pa sa balita, ang koponan ng Philippines basketball youth team, na nakumpleto ang isang sorpresang pagwalis sa group stage, ay haharapin umano ang Chinese Taipei o Bahrain sa susunod na quarterfinal match, ayon pa sa balita.

Sa nasabing match ay isang semifinal slot at isang World Cup berth ay nakalaan para makuha.

Ang top 4 daw sa 16-team field ay magrerepresenta sa Asya sa 2019 FIBA U19 World Cup.

Pagpapatuloy pa ng balita, ang Chinese Taipei at ang Bahrain ay maglalaban sa Miyerkules, August 8, 2018, kung saan ang mananalo ay mag-a-advance laban sa Pilipinas sa isang "knockout battle" na mangyayari ngayong Huwebes, August 9.

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival

Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival

Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel