Todo daw dapat! Sarah Geronimo, hindi nainiwala sa kasabihang "magmahal ka pero magtira ka"

Todo daw dapat! Sarah Geronimo, hindi nainiwala sa kasabihang "magmahal ka pero magtira ka"

- Ibinahagi ni Sarah Geronimo ang kanyang pananaw sa pag-ibig

- Hindi umano siya naniniwala na dapat pag nagmahal at magtira para sa sarili

- Mahalaga daw na naging sincere at tapat kahit ano pa man mangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nang maitanong kay Sarah Geronimo ang kanyang opinyon tungkol sa pagmamahal mabilis siyang tumugon.

"Sa pag-ibig, ibigay mo ang lahat na hindi ibig sabihin you will lose yourself in the process.

Hindi daw siya naniniwala na dapat may reservation.

"Mahirap sabihin na magmahal ka pero magtira ka. Parang hindi ako naniniwala doon.

"Ibigay mo yung buong puso mo, pero maging ready ka rin sa mga puwedeng mangyari.

"Ang importante, at the end of the day, alam mo sa sarili mo na hindi ka naging maramot.

"Alam mong naging sincere ka, naging tapat ka, so walang pagsisisi."

kilala din ang singer actress sa pagiging mapagmahal na anak at mapagpahalaga sa pamilya.

Nagsalita rin si Sarah tungkol sa malaking pagpapahalaga niya sa kanyang pamilya.

“Kapag hindi kumpleto ang pamilya, kapag may hindi maayos diyan, malungkot pa rin.

"Hindi yung fame, hindi yung fortune.

"Hindi yun ang success, hindi yun ang makakapagbigay ng happiness sa iyo.

"Yung unity, yung love na meron kayo ng pamilya mo, sa mga kaibigan, oo, okey iyan.

Ang pamilya umano ang bumubuo sa isang tao.

"Medyo magkakalabuan nang konti, pero kapag pamilya, iyan ang bumubuo sa iyo, kaya kapag may problema diyan, para kang pilay."

Samantala, naging usap-usapan ang unang pagkakataon na nakapagbakasyon si Sarah kasama ang nobyong si Matteo Guidicelli na silang dalawa lang upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa Japan.

Si Sarah Geronimo ay sumikat matapos manalo sa isang singing contest. Simula noon, tulo-tuloy na ang kanyang pagsikat at laging tinatangkilik ang kanyang musika. Pinasok rin niya ang mundo ng pag-arte at nakagawa na ng maraming block buster movies.

POPULAR: Read more about Sarah Geronimo here

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Calvin Abueva, napa-private ng Instagram dahil sa sobrang pangba-bash ng netizens

Calvin Abueva, napa-private ng Instagram dahil sa sobrang pangba-bash ng netizens

Calvin Abueva, napa-private ng Instagram dahil sa sobrang pangba-bash ng netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel