Kris Aquino, binahagi ang di niya malilimutang ganap sa world premiere ng 'Crazy Rich Asians'

Kris Aquino, binahagi ang di niya malilimutang ganap sa world premiere ng 'Crazy Rich Asians'

- Binahagi ng 'Queen of all media' na si Kris Aquino ang di niya malilimutang tagpo sa world premiere ng pelikulang kinabibilangan niya ang 'Crazy rich asians'

- Labis labis ang kasiyahan ni Kris sa ginanap na premiere kung saan kasama niya ang kanyang bunsong anak na si Bimby

- Binati rin siya ng mga kapwa niya artista sa panibagong level ng showbiz career ni Kris

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang nag-iisang 'Queen of all media' na si Kris Aquino nang siya ay dumalo ng world preniere ng pelikulang 'Crazy Rich Asians'.

Nalaman ng KAMI na nagbahagi ng video si Kris sa kanyang instagram kung saan makikita ang tindi ng suporta ng mga kababayan nating Pilipino na nasa TCL Chinese Theatre IMAX kung saan ginanap ang premiere.

Labis din ang kasiyahan ng mga Filipino celebrities sa panibagong level ng career ni Kris sa showbiz. Ang ilan sa kanila ay hayagang nagkomento ng "Congratulations" sa kinatawan ng Pilipinas sa nasabing pelikula.

Samantala, bukod sa init ng pagtanggap ng mga nanonood ng premiere, di rin daw malilimutan ni Kris ang paglapit di umano sa kanya ni Toby Emmerich ng Warner Brothers group.

Kwento ni Kris, nilapitan daw siya nito dahil sa staff member ni Tony na 25 taong naninilbihan na dito. Nais lamang niyang ng Filipina American na staff ni Tony na personal na makita ang aktres.

Natunaw ang puso ng aktres na mismong ang bossing pa ng Warner brothers group ang kumuha ng larawan nila at ng Filipina American staff nito.

Sa naunang balita ng KAMI, labis din ang kasiyahan ng mga fans at iba pang netizens para sa pagbabalik pelikula at international pa ni Kris.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Congratulations, Ms. Kris Aquino! I'm proud to be a Filipino talaga. Ms. Kris, in you, our dreams also came true esp. when you donned those haute couture gowns. They are beautifully designed really fit for a princess as stunning and charming as you are. I'm excited to see you in this hollywood movie.”

"Napakabuti talaga ng puso mo miss kris nagmana mga anak mo sayo. Kaya bless na bless ka sa anumang bagay o sa buhay mo kasi may maganda at malinis kang puso. Kung ibang artista yan for sure kaway lang sila d lalapit ng katulad mo miss kriss. God bless you po at ng family mo idol!”

"“Break a leg, miss extra!”

POPULAR: Read more news about Kris Aquino!

Ang pelikulang 'Crazy Rich Asians' ay hango sa libro na sinulat ni Kevin Kwan. Nababalitang ipapalabas ito sa Agosto 15.

How do single people live? Do they suffer from loneliness, or are they truly happy without a romantic relationship? Netizens Speak Up: What Is It Like To Be Single? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law

Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law

Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel