"Sa akin naman, may nagawa talaga ako.." Loisa Andalio, nagsalita tungkol sa "one-night stand" rumor

"Sa akin naman, may nagawa talaga ako.." Loisa Andalio, nagsalita tungkol sa "one-night stand" rumor

- Nagsalita na si Loisa Andalio tungkol sa isyu na ipinupukol sa kanya

- Ito umano ang naging dahilan ng naging tampuhan nila ni Ronnie Alonte

- Ang pinag-ugatan daw ng kanilang problema ay ang "one-night stand" diumano ng young actress sa isang non-showbiz guy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan ang diumano'y pagkakalabuan nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte kamakailan lang. Gayun paman, nagkaayos sila. Diumano ay ang pinag-ugatan daw ng kanilang problema ay ang "one-night stand" diumano ng young actress sa isang non-showbiz guy.

Naging dahilan ito upang ibash at husgahan si Loisa.

Sa isang ulat ng PEP. dinipensahan ni Loisa ang sarili at nilinaw ang isyu.

"Iyang pamba-bash sa akin, yung issue na di maganda, actually hindi naman ako gaanong naapektuhan.

"Kasi alam ko naman sa sarili ko na hindi naman talaga totoo.

Mahalaga daw para sa kanya si Ronnie kaya hindi daw niya magagawa iyon.

"Alam naman nila kung gaano kaimportante sa akin si Ronnie, hindi ko naman magagawa yung ganung bagay."

Nasobrahan lang daw talaga ang gawa-gawang isyu na ito.

"As in napaka OA [over-acting] talaga, grabe!

"Sabi ko, 'Hindi ko kayang gawin iyan, di ko talaga kayang gawin iyan!'

Nasaktan daw siya sa mga panghuhusga sa kanya ng mga tao.

"Ako naman siyempre, nasasaktan ako, grabe nila akong i-judge na hindi naman nila alam kung ano ang nangyari. Gumagawa na lang siguro ang mga bashers ko ng kuwento at ito na ang pinaniwalaan nila.

Wala daw katotohanan ang tsismis na ito.

"Na-offend talaga ako sa 'one-night stand' na sinasabi nila, na hindi naman talaga totoo."

Ipinaliwanag niya rin kung bakit mas pinili niyang huwag magsalita.

"Ayokong mag-tweet na i-defend ang sarili ko na, 'Ah, di po totoo yung one-night stand.'

"Parang ayoko na kayong bigyan ng time, dahil hindi naman totoo.

"Happy ako this time nabigyan ako ng opportunity para masabi ko sa mga tao, ma-clear ko sa mga tao na hindi naman talaga totoo."

Ayon kay Loisa, ito daw ang maituturing niyang pinakamabigat na pinagdaanan nila ni Ronnie.

"May pinagdaanan talaga, as in sobrang laki ng pinagdaanan namin.

"Private na lang, pero as in grabe, dito kami sobrang sinubok ng tadhana.

"Ito yung pinaka-worst. Ganun siya kalaki.

Gayun paman, masaya siya na naayos nila ang kanilang di pagkakaunawaan.

"Pero sobrang happy ako kasi napag-usapan namin, and sobrang bait talaga ni Lord kasi hindi Niya kami pinabayaan, kaming dalawa ni Ronnie."

Aminado naman ang dalaga na may nagawa naman siya talagang kasalanan.

"Sa akin naman, may nagawa talaga ako, pero hindi ganun ha, hindi yun, ha.

"Grabe naman kasi yun, e.

"Tao lang naman, nagkakamali. Siya din naman, tao din, nagkakamali din.

"Ang mahalaga, napag-uusapan, naayos.

"Sabi ko naman sa kanya na hindi kami pababayaaan ni Lord."

Natuwa naman ang mga tagasuporta ng dalawa nang makitang nagkaayos na silang dalawa. Kumalat sa social media ang larawan ni Loisa na nakayakap sa likod niya si Ronnie.

POPULAR" Read more about Loisa Andalio here

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na

Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na

Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel