Pinay nurse, pinamanahan ng milyon ng kanyang pasyente na isa pa lang bilyonaryo

Pinay nurse, pinamanahan ng milyon ng kanyang pasyente na isa pa lang bilyonaryo

- Filipina nurse Hadassah Peri ay naninirahan noon sa New York kasama ang kanyang mister na isang taxi driver

- Nagbago ang buhay nila nang inatasan si Hadassah na alagaan si Huguette Clark, isa pa lang bilyonaryo at malaki talaga ang naitulong nito sa kanilang pamilya

- Nang yumao si Huguette, pinamanahan niya sa Hadassah ng halos $30 milyon dollars bukod pa sa mga binigay ni Huguette na mga ari-arian sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kilala ang mga Pilipino sa pagiging maalaga at mapagmalasakit. Kaya naman madalas hanap-hanapin ang serbisyong Pinoy dahil sa di matawaran nitong husay sa paggampan ng trabaho

Gaya na lamang ng kwento ng Pinay Nurse na si Hadassah Peri na noon ay simpleng namumuhay sa New York kasama ang taxi driver niyang mister.

Pinay nurse, pinamanahan ng milyon ng kanyang pasyente na isa pa lang bilyonaryo

source: supplied

Nalaman ng KAMI na naatasan si Hadassah na mag-alaga sa isang bilyonaryo na si Huguette Clark. Anak si Clark ng isa sa pinakamayamang tao sa Amerika na si William Clark.

1990 nang tamaan si Huguette ng face cancer kaya kinailangan niya ng private nurse na mag-aaruga sa kanya.

Marso ng taong 1991 nang ipasok na sa New York hospital si Huguette kung saan siya nagtagal ng 7,000 araw.

Dahil sa tagal ng pagsasama nina Huguette at Hadassah sa hospital, namuo ang pagiging magkibigan ng dalawa.

Dumating pa raw sa punto kung saan kapag di na mapainom si Huguette ng ibang nurse, tinatawagan pa nila si Hadassah para kumbinsihin ang pasyente na inumin ang gamot.

Dahil dito, malaki rin ang naitulong ni Huguette sa pamilya ni Hadassah. Sagot na ng kanyang pasyente ang mgaa tuitions at iba pang gastusin ng mga anak ni Hadassah. At nakatatanggap din siya ng marami pang bonus.

Sa loob ng 20 taon ay umaapaw ang mga regalo ni Huguette sa kaibigan. Noong 1999 pa nga raw, nakatanggap si Hadassah ng $133,950 na di malamang dahilan.

2009 nakatanggap si Hadassah ng $5 million dollars, at mamahaling mga sasakyan at mga establisyemiento.

Pinay nurse, pinamanahan ng milyon ng kanyang pasyente na isa pa lang bilyonaryo

source: supplied

Nang pumanaw ang pasyente, pinamanahan niya ang nurse na kaibigan niya ng tumataginting na $30 million dollars.

Ngunit syempre, di mawawala ang mga mapanuring pamilya ni Huguette na tila naghahabol din sa yaman na binahagi ng pasyente sa kanyan amang nurse.

Umabot pa raw ito sa korte dahil sa pangunguwestyon nila sa last will and testament ng bilyonaryo. Sa kasamaang palad, nanalo sa kaso ang mga kamag-anak ni Huguette at makatatanggap ng $34 million dollars.

Ang maganda lang sa nangyari, naiwan pa rin kay Hadassah ang mga ari-arian na siyang binigay ni Huguette noong siya ay nabubuhay pa.

How do single people live? Do they suffer from loneliness, or are they truly happy without a romantic relationship? Netizens Speak Up: What Is It Like To Be Single? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Honesty store at PNP Manila office gets robbed by 'dishonest' patrons

Honesty store at PNP Manila office gets robbed by 'dishonest' patrons

Honesty store at PNP Manila office gets robbed by 'dishonest' patrons
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel