Camille Prats, pinanindigan ang pagiging tunay na "Princess Sarah" sa London

Camille Prats, pinanindigan ang pagiging tunay na "Princess Sarah" sa London

- Natuwa ang mga fans at followers ng actress at host na si Camille Prats nang nagpost siya ng mga larawan ng kanilang trip sa dating naging lokasyon ng pelikulang Princess Sarah

- Sumikat si Camille sa karakter niya sa pelikula noong 90's na 'Sarah, ang munting prinsesa'

- Kasama ni Camille ang kanyang mister at kitang kita ang kasiyahan sa mag-asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuwang tuwa ang mga fans ni Camille Prats nang nagpost ito ng mga larawan nila ng kanyang asawa na nasa London.

Nalaman ng KAMI na binalikan ni Camille ang mga naging lokasyon ng hit movie niya noong 90's na 'Sarah, ang munting prinsesa'.

Lumipad si Camille kasama ang kanyang asawang si VJ Yambao patungong Londoon upang magbakasyon.

Napangiti ni Camille ang kanyang mga fans sa caption niya sa isang post na "Hay salamat nakauwi na rin ako sa Inglatera."

Kasama ni Camille noon sa pelikula si Angelica Panganiban na gumanap naman bilang si Becky. Masasabi isa ito sa mga pelikulang nagbigay sa kanila ng magandang break sa showbiz.

Samantala, bumaha ng mga nakakatuwang reaksyon ang post ni Sarah mula sa kanyang mga followers. Narito ang kanilang mga komento:

"Ahaha nakakamiss c princess sarah..sana kasama mo c becky.."

"My favorite, Princess sarahh."

"Welcome home, princess sarah"

"Haha dyan nakatira si princess Sarah"

"Hi princess Sara! Batang 90's"

"Princess sarah isama mo naman po si becky"

"prinses sarah ang munting prinsesa ang bumubuo sa aking umaga when i was a kid"

"Princess Sarah, ilang beses kong pinanuod at pinaiyak my childhood fav. Movie"

Bukod sa muling pagbisita niya sa mga lokasyon ng dati niyang pelikula, ine-enjoy din ni Camille ang ibang parte ng Inglatera kasama ang kanyang mister.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking ilalaglag sana noong nasa sinapupunan pa, unang magtatapos sa 10 magkakapatid

Lalaking ilalaglag sana noong nasa sinapupunan pa, unang magtatapos sa 10 magkakapatid

Lalaking ilalaglag sana noong nasa sinapupunan pa, unang magtatapos sa 10 magkakapatid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel