Netizens, pinagkaguluhan ang pagdalo ni Kris Aquino sa Hollywood premiere ng 'Crazy Rich Asians'

Netizens, pinagkaguluhan ang pagdalo ni Kris Aquino sa Hollywood premiere ng 'Crazy Rich Asians'

- Dumating si Kris Aquino sa Hollywood premiere ng movie niyang Crazy Rich Asians sa California

- Pinagkaguluhan ng mga fans pati netizens ang nasabing pagdalo ni Kris

- Inulan naman ng papuri at pamba-bash ang aktres dahil dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging usap-usapan sa social media ang pagdalo ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa premiere ng Hollywood movie nitong Crazy Rich Asians sa California.

Sa video na inupload ng aktres sa kaniyang Instagram account, makikita ang pagdating ni Kris sa TCL Chinese Theatre IMAX kung saan ginanap ang premiere ng nasabing pelikula.

Nalaman din ng KAMI na kasama ng batikang TV host ang kaniyang anak na si Bimby Aquino-Yap sa naturang okasyon.

Hindi magkamayaw ang mga fans nang makita ang aktres sa yellow gown nitong idinisenyo ng Pilipinong si Michael Leyva.

Narito ang video:

Magkahalong suporta at pamba-bash naman ang natanggap ni Kris hinggil sa pag attend nito sa premiere ng Crazy Rich Asians.

Ayon sa ilang mga fans, excited na daw silang panoorin ang Hollywood movie ni Kris. Samantala, nagpahayag naman ang ilang bashers na “extra” lamang daw ang aktres sa pelikula.

Narito ang ilan sa mga reaksyon:

“Congratulations, Ms. Kris Aquino! I'm proud to be a Filipino talaga. Ms. Kris, in you, our dreams also came true esp. when you donned those haute couture gowns. They are beautifully designed really fit for a princess as stunning and charming as you are. I'm excited to see you in this hollywood movie.”

“Napakabuti talaga ng puso mo miss kris nagmana mga anak mo sayo. Kaya bless na bless ka sa anumang bagay o sa buhay mo kasi may maganda at malinis kang puso. Kung ibang artista yan for sure kaway lang sila d lalapit ng katulad mo miss kriss. God bless you po at ng family mo idol!”

“Break a leg, miss extra!”

“Nakow dito sa singapore hindi nga masyado umingay or tinangkilik ang movie nayan dyan pa kaya sa pinas na ilang minuto lng ang ginampanan role ni kris, masyado nyo lng binigyan pansin.”

Sa naunang ulat ng KAMI, sinabi ng author ng Crazy Rich Asians na “highlight” daw ang appearance ni Kris sa nasabing movie.

Kilala si Kris bilang sa pagiging isang aktres, talk show host, at producer. Tumabo sa takilya ang kaniyang mga pinagbidahang pelikula katulad ng Feng Shui at My Big Bossing.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino!

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers. Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang sipag nila! Celebrity stars spotted selling self-made products in a mall

Ang sipag nila! Celebrity stars spotted selling self-made products in a mall

Ang sipag nila! Celebrity stars spotted selling self-made products in a mall
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel