Ang sabeh?! Hindi daw "real acting" ang ginagawa ng mga artista sa teleserye, ayon kay JK Labajo

Ang sabeh?! Hindi daw "real acting" ang ginagawa ng mga artista sa teleserye, ayon kay JK Labajo

- Baka hindi ito ma-carry ng mga Primetime Teleserye Queens and Kings ang sinabi ng The Voice Kids finalist JK Labaja o kilala din sa showbiz bilang si Juan Karlos

- Ang sabi kasi umano niya na hindi daw totoong aktingan ang mga roles sa teleseryes, ayon sa kanyang panayam sa isang media outlet

- Ito daw ang sagot niya nang tanungin kung bukas ba siya sa paggawa ng teleserye again, at tila nawindang ang mga faney ng mga TV series na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa report na naispatan namin sa PEP, marami umano ang nanghinayang na pagkatapos magpamalas ng angking galing at husay sa pag-arte ang batang aktor sa Kapamilya primetime teleserye na 'A Love To Last' ay biglang naglie-low si JK Labao sa telebisyon at pelikula.

Dagdag pa sa balita na nalaman ng KAMI, inakala daw kasi ng kanyang mga tagahanga na pagkatapos ng naturang teleserye ay magtuloy-tuloy na siyang mapapanoond nila na umaarte.

Nang tinanong daw siya tungkol dito, sinabi umano ng batang aktor at singer na kahit naman daw siya ay nagtaka sa paglamlam ng kanyang karera.

Sambit ni JK:

"Bigla akong nalaos, malay ko. Ayoko kasing gawin yung mga ano... usual stuff na ginagawa ng lahat. So ang ginawa ko, I followed my heart and followed what I wanted to do, which is having my own band, to create my own music. Yun ang ginagawa ko ngayon."

Busy pala sya ngayon sa kanyang banda na Juan Karlos.

Pagbahagi pa ng 17-year-old bokalista-singer-aktor:

"Last month nag-release kami ng song, the title is 'Buwan'."

Pagpatuloy pa niya na pagbahagi:

"Medyo nag-lie-low ako actually for a while after A Love To Last. Hindi na ako napapalabas sa TV. Hindi ako kinukuha, so ayun."

At dito ay tinanong umano siya kung bukas pa ba daw siya sa paggawa ng teleserye kung sakaling makatanggap ng offer.

Diretsa naman sinagot ni JK ang tanong na:

"Okay naman ang teleserye exposure-wise, pero it's not really acting. Personally, for me, hindi talaga nasu-showcase yung totoong acting skills ng isang actor sa isang teleserye."

Dagdag pa niya:

"Di mo makikita yun dun, e. Pag umiyak ka lang sa TV, actor ka na. Mag-ano ka lang, actor ka na."

Paglilinaw niya:

"Well for me, it's not real acting, it's not genuine acting. It's just akting-aktingan."

At dinugtungan niya ito ng pahayag tungkol sa pag-arte sa indie films.

"I'm open to indie films, actual acting. I'm open to actual acting, not akting-aktingan."

Pagtatapos pa niya:

" I'm open to people who actually believe in acting when it comes to real acting. You know, like being in the character, being this, being that, doing this, doing that."

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakabahala! Trip lang ba? Away na beki vs gangster sa kalsada

Nakakabahala! Trip lang ba? Away na beki vs gangster sa kalsada

Nakakabahala! Trip lang ba? Away na beki vs gangster sa kalsada
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel