Proud young dad! Jon Lucas, ipinakita na sa publiko ang kaniyang mahal na anak

Proud young dad! Jon Lucas, ipinakita na sa publiko ang kaniyang mahal na anak

- Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakita na ni Jon Lucas ang kaniyang baby boy sa publiko

- Inamin ng aktor na natakot siya noon dahil baka mawala ang kaniyang showbiz career

- Ngunit nilabanan ni Jon ang kaniyang takot dahil alam niya daw na nasa kanya ang tunay na kayamanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Proud na ipinakilala ni Jon Lucas ng Hashtags ang kaniyang unang baby sa publiko nang mag guest ito sa morning show na Magandang Buhay.

Nalaman ng KAMI na ang pangalan ng baby boy ni Jon ay Brycen Christian.

Inamin ng Hashtags member na natakot siya noong una dahil posible daw na mawala ang career nito sa showbiz kapag nalaman na isa na siyang certified dad.

“Unang-una sa career po, parang wala pa ako sa tuktok o hindi ko pa nararating ang kasikatan ng sobra eh baka po mawala agad na kung nasaan man ako ngayon. Natural po siguro na maisip ko 'yung mga 'yon noong una," pahayag ng aktor.

Ngunit hindi ito ininda ni Jon at inisip na lamang na nasa kanya na ang “tunay na kayaman” sa mundo.

"Noong pagkalabas niya sabi ko hindi na bale anuman ang masabi ng iba, kung ano ang magiging resulta, basta feeling ko ay dumating na ang isa sa pinakatotoo kong kayaman sa buhay: siya, si baby,” ayon sa aktor.

“Kaya sabi ko ay papanindigan ko na kasi ang magma-matter sa huli ay 'yung pagiging totoo at paninindigan ko at 'yun din ang puwede kong ika-proud na paglaki niya puwede kong sabihin sa kanya na kahit marami akong kinakatakutan ikaw ang pinili ko. Mahal na mahal ko yan," dagdag pa nito.

Masaya ding ikinuwento ni Jon ang magandang naidudulot ni baby Brycen sa kanyang pamilya.

Ibinahagi ng aktor na ang kaniyang anak ang nagsilbi nilang lakas lalo na’t kinaharap nila ang isang matinding dagok sa pagpanaw ng ina ng aktor.

"Feeling ko ang dahilan ng tuwa na nararanasan namin ay 'yung paglabas ni baby. Siya 'yung dahilan bakit kami naaliw, kapag nami-miss namin 'yung mommy namin na nawala sa amin,” tugon ni Jon.

“Kapag nilalaro namin siya ay doon kami nakakabawi ng lakas ulit at saya," dagdag pa niya.

Ipinangako naman ng aktor na gagawin niya ang lahat upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kaniyang anak.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, una nang inamin ni Jon na ikinasal na siya at biniyayaan ng isang anak.

Si Jon ay isang 23-anyos na Filipino aktor na sumabak sa Star Magic Circle ng ABS-CBN noong 2013. Lumabas na siya bilang si Andrei sa pelikulang Haunted Forest at si Dominic Zaragosa sa TV drama na Got to Believe.

What will you do if someone walks up to you and your girlfriend in the street and ask you for her number? It’s a pretty awkward situation, isn’t it? You just need to imagine how you would react, while the “victims” of this Philippines prank had to answer this question! – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
She's the real deal! 5 Reasons why Catriona Gray truly deserved the 2018 Miss Universe crown

She's the real deal! 5 Reasons why Catriona Gray truly deserved the 2018 Miss Universe crown

She's the real deal! 5 Reasons why Catriona Gray truly deserved the 2018 Miss Universe crown
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel