Dating Uber driver, napilitang ibenta ang kotse dahil sa di umano'y kaluluwang naging pasahero niya

Dating Uber driver, napilitang ibenta ang kotse dahil sa di umano'y kaluluwang naging pasahero niya

- Sinalaysay ng dating Uber driver na si Dino Yap ang napangingilabot niyang karanasan nang minsang nagkaroon daw siya ng pasahero na isang batang multo

- Malinaw pa sa kanyang alaala ang buong pangyayari kung paano niya nakita ang bata na sumakay kasama raw ang mga magulang nito sa sasakyan ni Dino

- Dahil sa pangyayari, halos dalawang linggo na di nakapamasada si Dino hanggang sa tuluyan na siyang ibenta ang sasakyan dahil sa di malilimutang pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa si Dino Yap sa libo libong mamayan na pinili na ang pagmamaneho ng mga mobile app driving services gaya ng Grab at noon na Uber.

At sa dami ng kanyang naging pasahero, sinalaysay niya sa programang iJuander na di niya malilimutan ang minsang nagkaroon siya ng sakay na isang di umano'y batang multo.

Nalaman ng KAMI na di mapili si Dino sa pagsakay ng pasahero. Kahit gabi na, namamasada pa rin ito.

Isa sa kanyang mga naging pasahero ang mag-asawa na nagbook ng sakay sa kanya galing sa lugar na kaibigan o kaanak.

Malayo pa lamang, kita na ni Dino ang batang babae na nakaabang sa labas ng bahay. Inakala ni Dino na ito na agad ang kanyang magiging sakay kaya naman kahit halos isa at kalahati pa raw ang layo ng bata sa mga magulang nito ay hinintuan ito ni Dino.

Binuksan pa ng bata ang pinto at agad na sumunod na ang kanyang mga magulang. Pagpasok pa raw nito ng sasakyan napasabi pa ito ng "Mmm, bango" na siya namang pinasalamatan ng driver.

Umabot nang 30 minuto ang kanilang biyahe. Binuhay ni Dino ang ilaw ng sasakyan ng sa gayon ay makita ng pasahero niya at pati na rin siya ang pera na ibabayad kay Dino.

At dahil maliwanag, kitang kita ni Dino na tanging ang mag-asawa lamang ang ang bumaba ng kanyang sasakyan. Nangangahulugan lamang na wala pala talagang kasamang bata ang kanyang pasahero kahit pa ito ay may dalang lobo.

Humarurot na papalayo si Dino at binuksan ang kanyang mga bintana at nagpatugtog ng malakas nang sa gayon ay di na niya maisip pa ang pangyayari.

Pag-uwi niya ng kanilang bahay, agad niyang kinuwento ang nangyari na tila ikinagalit pa raw ng kanyang misis na inisip na ayaw lang silang pasakayin sa sasakyan nito.

At dahil sa hindi pa rin makali sa pangyayari si Dino, tinext niya ang naging pasahero at tinanong nito kung mayroon ba silang kasamang bata ning sinundi sila nito.

Kinilabutan si Dino nang malaman na walang kasamang bata ang mag-asawa. Katunayan, kamamatay pa lamang ng kanilang anak dahil sa dengue. Marahil, sumama pa rin daw ang kaluluwa ng bata dahil ang pinuntahan ng mag-asawa ay ang party ng paboritong pinsan ng kanilang anak.

Sa takot, umabot ng halos dalawang linggo na di namasada si Dino. Nang bumalik na siya sa pagmamaneho, siniguro niyang di na siya ginagabi sa daan.

Ngunit, dumating din ang araw na nagdesisyon na lamang si Dino na ibenta ang sasakyan upang tuluyan nang makalimutan ang pangyayari.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law

Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law

Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel