Kinantahan ni mister ang nakaratay na misis ng kanilang love song na 'huling paalam' sa isa't isa

Kinantahan ni mister ang nakaratay na misis ng kanilang love song na 'huling paalam' sa isa't isa

- Viral ngayon ang isang lalaking kinantahan ang kanyang asawang nakaratay na sa hospital bed

- Kinanta ni Mr. Howard ang 'You'll Never Know' habang sila ay nagpapaalam sa isa't isa at hinalikan ito sa huling pagkakataon

- Pitumpu't tatlong taon na silang nagsasama bilang mag-asawa at si Ms. Laura ay 93 years old na habang unti-unti nang nawawalan ng buhay sa ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang pag-ibig ay hindi nasusukat ng kahit na anong pera o materyal na bagay. Katulad na lamang nag wagas na pagmamahalan nina Mr. Howard at Mrs. Laura na ipinakita sa isa't isa hanggang sa huli na mahal na mahal nila ang isa't isa.

Nalaman ng KAMI na si Ms. Laura ay 93 years old na pala, at maaaring dahil dito ay terminally-ill na rin siya 'di umano sa isang ulat, kaya'y nakaratay na sa ospital.

Nagkaroon sila ng 2 anak na kasama nila sa ospital na siyang kumuha ng nasabing video na naging viral dahil sa napaka-touching na pamamaalam nila sa isa't isa.

Hinawakan nila ang kamay ng isa't isa, nagbiro pa si Mrs. Laura na huwag daw magpasaway si Mr. Howard at mag-iingat siya palagi.

Pinatugtog din naman ang kanilang paboritong kanta, na ayon sa FEEDYTV.com ay parating kinakanta noon ni Mrs. Laura sa kanyang asawa tuwing ito ay sasabak sa digmaan. Si Mr. Howard ay isa sa mga World War II veterans.

Nagtapos ang video sa isang matamis at makahulugang halik mula kay Mr. Howard na lalong nagpaiyak sa mga anak nila.

Panoorin sa baba ang naturang viral video:

This guessing game in The Philippines presents various words that need to be guessed. Can you guess what they are? A few strangers on the street are asked to complete different words with some of them being quite funny and awkward. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakapanindig-balahibo! Carla Abellana may nakakatakot na karanasan sa isang swing sa lumang bahay nila

Nakakapanindig-balahibo! Carla Abellana may nakakatakot na karanasan sa isang swing sa lumang bahay nila

Nakakapanindig-balahibo! Carla Abellana may nakakatakot na karanasan sa isang swing sa lumang bahay nila
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel