Kabog! Nadine Lustre nananatiling isa sa mga pinakasexy na Pinay aktres

Kabog! Nadine Lustre nananatiling isa sa mga pinakasexy na Pinay aktres

- Bukod pa nga sa ating nagagandahang mga isla, ang Pilipinas ay kilala din na lugar na maraming magagandang mga tao

-Ang ibang mga marilag na mga babae ay nakikita sa showbiz at isa na rito si Nadine Lustre na gumagawa pa rin ng ingay sa sobrang kasexysihan

- Noong isang taon nga ay siya ang nagwagi na pinakasexy na babae sa FHM, 2017 list, at magpa hanggang ngayon sa mga Instagram pictures niya ay tila nanatili pa rin siya sa kanyang trono

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon pa sa artikulo ng Social Daily, kung saan una namin naispatan ang kasexysihan ni Nadine Lustre ay nakatanggap na din umano ang aktres ng "body shaming" galing sa mga napakacritical na mga netizens online.

Subalit, base sa tagumpay at mga larawan sa kanyang Instagram account, masasabi natin na nagtagumpay ang isa sa mga pinakasikat na aktres sa kanyang henerasyon.

Kaya naman naging isang empowering woman ang aktres dahil na din sa mga nakaraang pagsubok.

Nalaman ng KAMI na last year, 2017, nakatanggap daw si Nadine Lustre ng 491, 039 votes na nakahirang sa kanya sa top sa listahan ng mga pinakasexy sa FHM.

Noong 2016, naka rank sa 3rd place ang aktres, at ang kanyang kapwa Kapamilya actresses na sina Jessy Mendiola, Ellen Adarna, Angel Locsin, at Liza Soberano ay napabilang sa top 10 list of 2017.

Sumikat ng husto si Nadine Lustre dahil na din sa pelikulang "Diary ng Panget," kung saan siyang unang itinambal sa kasalukuyang boyfriend na si James Reid.

Pagkatapos nito ay nasundan ang movie ng "Talk Back and You're Dead," na kasama pa rin niya ang boyfriend niya ngayon bilang kanyang leading man sa nasabing pelikula.

Dahil na din sa success ng dalawang movies na ito ay kinilala ang dalawa bilang mag loveteam na JaDine.

Ngayong taong ito ay nag-ingay pa rin si Nadine Lustre at na tag siya sa isang YouTube channel na Tsismosa at pinangalanang pinakasexy na Pinay sa 2018.

Kitang kita naman sa kanyang mga Instagram posts.

Learn the best way to look good while you’re in the gym with our makeup for gym experts below.

Check out more exciting and fun tips and tricks on some beauty regimen and makeup tutorial videos among others by clicking here- BeKami YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Catriona Gray, makapanindig-balahibong kinantahan ng ‘Lupang Hinirang’ sa Thailand

Catriona Gray, makapanindig-balahibong kinantahan ng ‘Lupang Hinirang’ sa Thailand

Catriona Gray, makapanindig-balahibong kinantahan ng ‘Lupang Hinirang’ sa Thailand
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel