Nakakaloka! Iranian Angelina Jolie look-alike na nagviral umaming "makeup at edit" lang lahat

Nakakaloka! Iranian Angelina Jolie look-alike na nagviral umaming "makeup at edit" lang lahat

- Kung inyong natatandaan ang isang Iranian social media star na nagviral at pinagkakaguluhan sa online world ay nagtrending ulit ngayon

- Siya ay pinag-usapan sa buong mundo dahil sa kanyang "drastic physical transformation" para diumano'y maging si Angelina Jolie

- Ngunit sa isang interview sa isang media outlet sa Russia, inamin umano ni Sahar Tabar na 20 years old na daw sa taong ito na FAKE ang mga nagviral na pictures

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si Sahar Tabar, ay ang social media star na gumawa ng matinding ingay sa buong mundo dahil sa kanyang kakaibang mga larawan sa online world.

Sa mga pictures niya, ay makikita ang "razor-sharp" na cheekbones at malaking pouting lips, at dahil sa pagkahawig niya sa hitsura sa sikat na Hollywood actress na si Angelina Jolie ay naging isntant look-alike siya.

Pero tila sumobra lang yata ang kanyang hitsura, ayon na din sa mga komento ng mga netizens online.

Sa balita na nakuha ng aming grupo sa Witty Feed, kung saan una naming nalaman itong nakakalokang kwentong ito, na lumabas din sa Daily Mail at ibang sites, ay napanayam pala ng Sputnik, Russian media outlet, ang si Sahar Tabar noong isang taon.

Dito nalaman ng KAMI na isiniwalat niya na ang lahat ng nakakadistorbong larawan niya sa internet ay FAKE pala.

Inamin naman daw nito na lahat ng mga chika online na gusto niyang maging ka look-alike si Angelina Jolie ay hindi totoo.

Gayunpaman, inamin niya na nagpa "nose job" daw siya, at nagpalaki ng bibig, at nagpaliposuction, subalit ang kakaibang hitsura na pinag-usapan ng mga tao sa buong mundo ay hindi pala totoo.

Ayon sa kanya ang lahat ay "make-up" at "editing" lang.

Sinabi niya sa Russian media outlet umano, tumutukoy sa mga viral na larawan niya sa social media:

"This is Photoshop and makeup. Every time I publish a photo, I paint my face in an increasingly funny way. It is a way of expressing yourself, a kind of art. My fans know that this is not my real face."

Pagtatapos daw niya, sinabi nito na ang kanyang viral na hitsura ay isang "art project" at "a form of self-expression."

At kinumpirma pa niya ito sa kanyang Facebook page:

At ito raw ang mukha niya noon:

Sinong mag-aakala na lahat pala iyon ay "makeup at photoshop?"

Speaking of makeup and looking the best way while you're in the gym, check out our makeup for gym expert in the video below.

And check out more exciting and fun tips and tricks on some beauty regimen and makeup tutorial videos among others by clicking here- BeKami YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer

Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer

Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel