‘Hindi ko din naman po expected!’ Elisse Joson, inaming may pinagdadaanan ang ‘McLisse’ ngayon

‘Hindi ko din naman po expected!’ Elisse Joson, inaming may pinagdadaanan ang ‘McLisse’ ngayon

- Bumuwelta na ang aktres na si Elisse Joson ukol sa pinagdadaanan nila ni McCoy De Leon

- Hindi na daw sila madalas magkausap at magkita ng partner nito

- Naniniwala si Elisse na may rason kung bakit nangyayari sa kanila ang pinagdadaanan nila ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsalita na ang aktres na si Elisse Joson kaugnay sa napapabalitang hindi nila pagkakaunawan ng partner nitong si McCoy de Leon sa love team na “McLisse.”

Nalaman ng KAMI na bagama’t inamin ni Elisse na okay silang dalawa ni McCoy, madalang na daw silang magkita at mag-usap ngayon.

“Hindi po kami masyado nagkakausap ngayon e, pero nag-usap kami the last time. Okay naman po kami, pero hindi na po kami nag-uusap talaga like regularly,” sabi ni Elisse.

Naniniwala ang Kapamilya star na may dahilan kung bakit nangyayari ang kanilang pinagdadaanan ngayon.

“Hindi ko naman din po expected na magkakaroon ng ganito or anything, pero I think lahat naman po may rason talaga,” tugon pa ni Elisse.

Ibinalita naman ng aktres na may kanya-kanya silang proyekto ngayon ni McCoy.

“Okay naman po kami na binibigyan kami ng separate works and individual projects,” pahayag ng dating Pinoy Big Brother housemate.

“Dati pa naman parang alam naman na din po namin na ganun ang mangyayari. Ever since dati we always say na ‘at the end of the day' parang kung ano ang magiging okay for the growth of our career,” sabi pa niya.

Noong nakaraang taon, naibalita ng KAMI ang tugon ni Elisse nang maipit siya sa programang Tonight with Boy Abunda tungkol sa nararamdaman niya para kay McCoy.

Sinabi nitong masyado pa siyang bata para sa salitang "mahal" pero inamin niya na nabibigay siya ng care para sa aktor.

Kilala si Elisse bilang isang Filipino actress, model at endorser na lumabas na sa mga teleserye katulad ng Ang Probinsyano at Sana Bukas pa ang Kahapon. Ang partner naman nitong si McCoy ay kasalukuyang miyembro ng grupong #hashtags sa It’s Showtime.

What will you do if someone walks up to you and your girlfriend in the street and ask you for her number? It’s a pretty awkward situation, isn’t it? You just need to imagine how you would react, while the “victims” of this Philippines prank had to answer this question! – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
For the first time, Catriona Gray flaunts her national costume for Miss Universe 2018

For the first time, Catriona Gray flaunts her national costume for Miss Universe 2018

For the first time, Catriona Gray flaunts her national costume for Miss Universe 2018
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel