Pasahero ng jeep, dalawang beses nakasakay ang di umano'y multo ng isang nasaksak na babae

Pasahero ng jeep, dalawang beses nakasakay ang di umano'y multo ng isang nasaksak na babae

- Sinalaysay ni Jhonnet Kim Galit ang di niya malilimutang karanasan sa jeep nang di lang isa kundi dalawang beses pa niyang nakasakay ang isang babaeng multo

- Sa unang pagkakataon ay inakala pa niya na 'nobya' ang multo ng lalaking katapatan niya sa jeep

- Nang naulit ang pangyayari, parehong multo pa rin ang nagpakita sa kanya nang siyang kinatakot na niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakikilabot talaga ang salaysay ng commuter na si John Kim Gulat tungkol sa karanasan niya sa di umano ay pagpapakita sa kanya ng babaeng multo. Di lang isa kundi dalawang beses pa niya ito nakita.

Nalaman ng KAMI na freshman pa lang si Jhonnet nang una niyang makita ang babae. Sumakay daw siya sa jeep at sa tapat niya, may umupo na tila magkasintahan. Natutulog daw ang babae na nakahilig pa sa lalaki.

May napapansin nang kakaiba si Jhonnet ngunit isinawalang bahala na lang niya ito. Nakasuot daw ang babae ng itim na pang-itaas at itim na pang-ibaba at nakatakip ang buhok niya sa kanyang mukha.

Nang bumaba si Jhonnet ng jeep, tinanong niya ang nakasabay niyang bumaba kung napansin niya na tila kakaiba ang babae sa magkasintahan.

Laking gulat niya nang sabihin ng isa ring pasahero na nakita niyang duguan ang babaeng nakahilig sa lalaki at tila tinatakpan lang ito ng bag.

Doon napagtanto ni Jhonnet na espiritu na nga ang kanyang nakita ang nangangahulugang walang kaalam alam ang lalaking inakala niyang nobyo na may multong nakahilig sa kanya.

Narito ang video na nakuha ng KAMI sa youtube:

Ilang taon ang lumipas, nakasakay raw muli ni Jhonnet ang babaeng multo. nang nakasakay ssiya sa jeep, sa lugar kung saan nakasakay niya dati ang multo, biglang may pumara at nakita niyang may sumakay. Nakaitim muli ito ng pang-itaas at nakatakip parin ang buhok sa kanyang mukha.

Muli kinabahan si Jhonnet. Nakapagtataka na wala naman daw siyang nabalitaang namatay nang taong iyon.

Ayon sa pari na nakapanayam ng programang iJuander, dasal lamang ang tanging paraan para makasigurong malayo ang pinagpapakitaan sa masamang espiritu.

How do single people live? Do they suffer from loneliness, or are they truly happy without a romantic relationship? Netizens Speak Up: What Is It Like To Be Single? | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pari, suspendido nang tawaging "sinner" ang nagpatiwakal na 18-ayos

Pari, suspendido nang tawaging "sinner" ang nagpatiwakal na 18-ayos

Pari, suspendido nang tawaging "sinner" ang nagpatiwakal na 18-ayos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel