Dating OFW na huminto sa pag-aaral para mag-abroad, may sariling negosyo na ngayon

Dating OFW na huminto sa pag-aaral para mag-abroad, may sariling negosyo na ngayon

- Sinakripisyo ni Mary Jane ang kanyang pag-aaral upang matulungan ang kanyang pamilya

- Sa edad na 19, minabuti niyang mag-abroad upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mahal niya sa buhay

- Matapos ang 7 taon sa Hong Kong, bumalik sa Pilipinas si Mary Jane at naisipan niyang magtayo ng sarili niyang negosyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di naging madali para kay Mary Jane na magdesisyong iwan ang pag-aaral gayung kaunting panahon na lamang ay magtatapos na sana siya.

Nalaman ng KAMI na 19 na taong gulang siya nang kinailangan niyang huminto ng pag-aaral at mag-abroad.

Iba iba ang naging trabaho ni Mary Jane sa Hong Kong. Naging saleslady siya roon at naranasan din niyang mag-alaga ng bata. Aminado siyang nahirapan talaga siya sa trabaho roon lalo pa't iba't ibang employer ang kanyang kinakaharap sa halos araw araw.

Dahil sa tindi ng kanyang dinanas sa ibang bansa, naisipan ni Mary Jane na umuwi na lamang ng Ilocos Norte.Sa kanyang pagbalik sa Pili[inas, nagdesisyon narin siyang mag-asawa.

Dahil sa ayaw na muling bumalik sa ibang bansa, nag-isip na lamang sina Mary Jane at kanyang mister ng negosyo.

Dating OFW na huminto sa pag-aarala para mag-abroad, may sariling negosyo na ngayon

source: supplied

Sa tulong ng proyektong OF-ReD, nakahiram si Mary Jane sa organisasyong ito ng ₱100,000. Ginamit niya ito para makabili ng mga baboy bilang simula ng kanilang piggery business.

Ilang buwan lamang ay naramdaman na nila ang kinikita sa babuyan. Ginamit nila ito sa pagpapagawa ng kanilang bahay.

Nagbabalak na ring kumuha ng van si Mary Jane na maaring rentahan sa mga tour sa Ilocos. Sa ganitong paraan madaradagan pa raw ang pasok ng pera sa kanilang pamilya.

Dating OFW na huminto sa pag-aarala para mag-abroad, may sariling negosyo na ngayon

source: supplied

Mas mainam pa rin daw na may sarili siyang negosyo kaysa manilbihan pa sa amo at malayo sa kanyang pamilya.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Simula na sa Nobyembre! ₱10 minimum na pamasahe sa jeep, aprubado na

Simula na sa Nobyembre! ₱10 minimum na pamasahe sa jeep, aprubado na

Simula na sa Nobyembre! ₱10 minimum na pamasahe sa jeep, aprubado na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel