JC Santos, inaming nakakatanggap siya ng death threat dahil sa karakter niya sa ‘Ang Probinsyano’

JC Santos, inaming nakakatanggap siya ng death threat dahil sa karakter niya sa ‘Ang Probinsyano’

- Inamin ni JC Santos na madami ang naiinis sa kanya dahil sa karakter nito sa Ang probinsyano

- Nakakatanggap din umano ang aktor ng death threats dahil sa kaniyang role

- Hindi naman ito ininda ni JC at nagpasalamat ito dahil nagpapatunay daw ang mga pamba-bash na effective ang kaniyang acting

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinunyag ng aktor na si JC Santos na madami ang naiinis at naiirita sa kanya dahil sa karakter nitong si Marco Cabrera sa top-rated teleserye na Ang Probinsyano.

Nalaman ng KAMI na hindi lang simpleng pagkairita ngunit mga death threats ang naririnig niya sa mga taga-subaybay ng teleserye.

Nagbigay naman ng halimbawa ang aktor kung anong klaseng mga pagbabanta sa buhay ang kaniyang nababasa.

“Mamatay ka na sana! As in hindi 'yung Marco ha, nakalagay 'yung JC Santos. Ganoon na ang mga nababasa ko,” pahayag ni JC.

Sa kabila nito, natutuwa pa din si JC dahil naniniwala siya na ang pagkainis ng mga tao ay repleksyon na “effective” ang kaniyang acting.

“Wow, okay thankful. Kasi nag-work 'yung character ko, nag wo-work 'yung mga ginagawa ng writers and ng director sa mga eksena namin,” sabi pa ni JC.

Sa nakaraang report ng KAMI, inakusahan ng ex-girlfriend ni JC ang aktor na manloloko daw ito kaya sila nagkalabuan at kalaunan ay naghiwalay.

Si JC ay isang Filipino theater at television actor na nagpakitang-gilas sa palabas na Till I Met You bilang si Ali noong 2016. Graduate siya ng kursong Theatre Arts sa University of Philippines kung saan nagsimula siya bilang aktor sa mga palabas ng Dulaang UP.

What will you do if someone walks up to you and your girlfriend in the street and ask you for her number? It’s a pretty awkward situation, isn’t it? You just need to imagine how you would react, while the “victims” of this Philippines prank had to answer this question! – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Keber! John Lloyd Cruz enjoys simple life despite people's judgement

Keber! John Lloyd Cruz enjoys simple life despite people's judgement

Keber! John Lloyd Cruz enjoys simple life despite people's judgement
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel