James Yap nalaman na kasali pala siya sa lineup para sa Asiad sa social media

James Yap nalaman na kasali pala siya sa lineup para sa Asiad sa social media

- Kamakailan nga ay binalita na sasali na ang Pilipinas sa 2018 Asian Games na gaganapin sa Jakarta, Indonesia

- Isang press conference ang isinigawa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) noong Linggo tungkol sa reentry ng Pilipinas

- Dito ay sinabi din nila ang 14 lineup na isasabak nila at isa na rito ay ang guard/forward ng Rain or Shine Elasto Painters na si James Yap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita na nakuha ng aming grupo sa ABS-CBN Sports, 9 years after ay babalik na naman si James Yap bilang ka koponan ng Team Philippines para sa 2018 Asian Games competition.

2009 noong unang nagrepresenta ang basketbolista para sa Pilipinas, at ito ang kauna-unahang Asian Games na maglalaro ang player para sa bansa.

Pero hindi lang ito ang nalaman ng KAMI tungkol sa isa sa mga kasado para sa Team Pilipinas dahil napag-alaman din namin na unang nalaman ni James Yap na kasali pala siya sa lineup na maglalaro para sa Asiad sa social media.

Ani ni James Yap:

"Wala talaga ako idea. Nakita ko lang sa social media na tuloy na nga. Sa social media ko na nalaman"

Hindi lang naman nag-iisa ang Rain or Shine guard/forward dahil pati na rin ang mga basketball fans ay nasorpresa na sasali na ulit ang bansa sa Asian Games

Hindi din naiwasan ni James Yap na magbigay ng kanyang opinyon tungkol sa pagwithdraw ng Pilipinas sa Asiad noong una.

Ayon sa kanya:

"Actually syempre basketball country tayo no, nung nalaman namin na [withdraw] syempre malungkot. Tsaka hindi lang naman kami yung malungkot, pati buong Pilipinas malungkot na wala tayong team."

At masaya naman ang basketbolista na kahit gipit sa oras ay makarepresent sa bansa, dahil ika nga para sa Pilipinas.

"Nung nalaman ko na represent na ulit, syempre masaya lahat."

Pero kahit na konti na lang ang oras ng pag-iinsayo nila ay confident pa rin ang basketbolista sa lahat.

Sambit niya:

"Masaklap lang, wala na masyado oras pero at least kahit papaano, si coach Yeng and almost half of the players, alam naman yung sistema. Kahit wala na masyadong oras, at least meron pa rin alam."

Ang bagong desisyon ng SBP ay lumabas pagkatapos nag-ingay ang mga dismayadong fans lalo na ang pagkadismaya ng basketball legend Robert Jaworski dahil ayon pa sa kanya umano, para sa bansa sana, para sa Pilipinas.

Si James Yap ay isa na sa napili sa unang 16 lineup na binalita din namin dito bago ang pagwiwithdraw ng bansa.

At ngayon, masaya na ang basketball fans dahil kasali na ulit ang Pilipinas sa laban.

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival

Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival

Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel