OFW, awang-awa sa sinapit ng kinausap niyang kababayan abroad

OFW, awang-awa sa sinapit ng kinausap niyang kababayan abroad

- Nadurog daw ang puso ng isang Pinay OFW sa sinapit ng kababayan niyang lakas loob lamang niyang kinausap

- Nalaman niyang bukod sa kalunos lunos na sitwasyon ay may matinding pinagdaraanan din ito sa pamilyang iniwan niya sa Pinas

- Dahil sa naikwento ng kanyang kapwa OFW, dumagsa ang realisasyon sa kanya at nararapat lamang daw ng pakahalagahan silang mga OFW dahil di biro ang kanilang dinaranas sa ibang bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa ibang bansa, wala namang ibang magdadamayan kundi ang mga kapwa o kababayan mo lalo na at di mo naman kasama ang iyong pamilya.

Wala kang ibang kakapitan kundi ang mga kapwa mo OFW na siyang halos pareho rin ng iyong sentimiento sa buhay.

Gaya na lamang ng isang Pinay OFW na lakas loob kinumusta ang kababayan niyang domestic helper din gaya niya. Napansin niya kasing para bang pagod na pagod ito at hirap na hirap na sa kanyang ginagawa.

Nang kinausap niya ito, nadurog talaga ang kanyang puso dahil bukod sa hirap na mawalay sa mga mahal sa buhay, ay matinding pinagdaraanan pala ito sa mga naiwan niya sa Pinas.

OFW, awang-awa sa sinapit ng kinausap niyang kababayan abroad

source: supplied

Narito ang kabuuan ng kwento ng Pinay OFW sa maiksing usapan niya sa kanyang kababayan na talagang pumukaw sa kanyang isip at damdamin:

Kuwento ni kabayan!

Kakalabas ko ng gate ng bahay ng kaibigan ng boss ko!biglang nahagip ng mata ko si kabayan,hindi ko nman ugaling nakikipag-usap lalo na sa mga di ko kilala,pero iwan ko ba para bang may bumubulong sa akin na lapitan ko siya!

Kako sa kanya: kabayan kumusta ka?

na para bang durog na durog ang puso kong nakatingin sa kanya.,.dalawang balikat nya may nakasabit kulang na lang pati ulo nya ipatong yung ibang gamit,daig pa yung nangongolekta ng basura sa anyo nya

Sabi nya oi kabayan ok lng nman ako,awa ng panginoon..

Kako ba't dami mong bitbit,di ba pwedeng iwan mo yung iba sa loob tapos babalikan mo na lang pag naihatid mo yung iba sa sasakyan nyo,.sabi nya,.hirap na mapagalitan kabayan saka di lang to sa amo ko,.sa mga kapatid nya yung iba..

Hanggang sa ..

Kumusta nman pamilya mo sa pinas?

OFW, awang-awa sa sinapit ng kinausap niyang kababayan abroad

source: supplied

Sabi nya: awa ng Panginoon kabayan ok lang nman sila,yun nga lang yung asawa ko may ibang asawa na,yung mga anak ko nman nasa pamilya ng asawa ko,.habang yung mga kapatid ko at magulang ko ayun,.Di nya na naituloy ang sasabihin nya sana akin dahil tinawag na sya ng amo nya; pero nababasa ko sa sulok ng mga mata nya yung lungkot ramdam ko ang paghihirap ng kanyang kalooban,yung pagtitiis maibigay lang sa pamilyang naiwan ang pangangailangan,

Para sa pamilyang naiwan ang nais ko lang iparating sa inyo,hindi po unlimited ang lakas nming mga ofw;darating din yung araw na susuko din yung katawang lupa namin,.at sana tandaan nyo lagi na sa bawat sentimong naipadala nmin sa inyo,.katumbas nyan!patak ng luhadahilan ng pangungulila,pawis,puyat,pagod,gutom(na hindi makakain sa tamang oras)minsan may pagkain minsan wala rin minsan mapagalitan pa ng amo kahit kunting mali lang,.sana maisip nyo yung sakripisyong ginawa nmin,para yan sa inyo,.na kahit sobrang hirap na kami di nmin iniinda mapabuti lang kalagayan ninyo;

Sa mga asawang naiwan,.di ba pwedeng isipin nyo na iniwan kayo ng asawa nyo't nakipagsapalaran para sa kinabukasan lalo na sa mga anak;kung nagtitis kayo dahil kayo ang naiwan mas nagtitiis kami dahil may mga amo kami dito na laging nakamasid sa bawat kilos namin habang kayo kahit anong oras na gusto n'yong magpahinga pwede,walang magbabawal,malaya kayo..

Kaya nman sana sa bawat halagang natatanggap nyo,wag nman sanang ibang tao ang makikinabang, lalong wag nyo nman sanang hayaang masira ang pamilya dahilan lang sa kaligayahang kailangan na hindi maibigay ng asawang nagtitiis sa malayo,.yung dapat na para sa mga anak sa anak ng ibang tao mapunta,.

Para sayo KABAYAN kahit sobrang hirap ka sayong kalagayan,dalangin ko sanay makamit mo ang pangarap na pinaka asam-asam...

DALA MO SANA ANG TAGUMPAY PAGBALIK MO SA ATING MAHAL NA BAYAN!

SALUDO AKO SAYO..LABAN LANG...

How do single people live? Do they suffer from loneliness, or are they truly happy without a romantic relationship? Netizens Speak Up: What Is It Like To Be Single? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking ilalaglag sana noong nasa sinapupunan pa, unang magtatapos sa 10 magkakapatid

Lalaking ilalaglag sana noong nasa sinapupunan pa, unang magtatapos sa 10 magkakapatid

Lalaking ilalaglag sana noong nasa sinapupunan pa, unang magtatapos sa 10 magkakapatid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel