Limang nakakainis na bagay tungkol kay Gary Valenciano, ibinunyag ng anak na si Kiana

Limang nakakainis na bagay tungkol kay Gary Valenciano, ibinunyag ng anak na si Kiana

- Ibinahagi ni Kiana Valenciano ang mga nakakainis na bagay tungkol sa kaniyang amang si Gary

- Ilan sa mga ibinunyag ng anak ay ang pagiging perfectionist at pikunin ng ama

- Sinabi naman ni Gary V na itinuturing niya pa rin na prinsesa ang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ng anak ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na si Kiana ang limang bagay na kinaiinisan nito tungkol sa ama.

Nalaman ng KAMI na ang naging rebelasyon ni Kiana ay naganap sa programang Tonight With Boy Abunda kung saan guest si Gary V.

Una nang ibinunyag ni Kiana na naiinis siya sa ama dahil nasa kanya na daw ang lahat at nahihirapan ang dalagang singer na pumili ng pwedeng iregalo kay Gary V.

Inamin din ni Kiana na “perfectionist” ang kaniyang ama kaya challenging na maka-trabaho ito.

“It’s hard to work with him but it is also very good because he pushes you to do your best,” pahayag ng anak.

Madalas din daw mapikon si Gary V kapag natatalo ito sa mga games at nagyayabang naman kapag nananalo.

Napaisip naman ang 25-anyos na dalaga sa huling bagay na nakakainis tungkol sa kaniyang ama.

“Number 5… Feeling ko he still sees me as a baby,” pahayag ni Kiana.

“But it’s okay ‘coz I love it,” dagdag pa niya.

Bago pa matapos ang 45 seconds na ibinigay sa singer, nagawa pa nitong makapag “I love you” sa ama at mag-iwan ng isang flying kiss.

Hindi naman napigilan ng beteranong mang-aawit na amining itinuturing niya pa ring prinsesa ang kaniyang anak.

“Kiana is my princess talaga,” pahayag ni Gary V.

Narito ang video:

Sa naunang report ng KAMI, inamin ni Gary V na kinuwestiyon niya ang Panginoon nang malamang may cancer siya. Itinanong niya kay Lord kung ano ang susunod na dapat niyang gawin.

Si Gary V ay isang multi-awarded Filipino-Puerto Rican singer-songwriter, music producer, at TV host na nagsimula bilang isang choir member. Sumusunod naman sa kaniyang yapak ang tatlong anak na sina Paolo, Gabriel, at Kiana.

POPULAR: Read more news about Gary Valenciano!

What will you do if someone walks up to you and your girlfriend in the street and ask you for her number? It’s a pretty awkward situation, isn’t it? You just need to imagine how you would react, while the “victims” of this Philippines prank had to answer this question! – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na

Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na

Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel