Most hardworking! Baby Seve ni Toni Gonzaga ang pinakamasipag sa pamilya

Most hardworking! Baby Seve ni Toni Gonzaga ang pinakamasipag sa pamilya

- Ayon pa sa balita, nagkausap na pala ang kilalang showbiz couple na sina Toni Gonzaga at Paul Soriano tungkol sa mga posibilidad na magiging artista si Baby Seve in the future

- Kahit hindi siya sigurado sa ideya na nasa showbiz ang anak, pero siya at ang kanyang mister ay magiging fully supportive na mga magulang kung magpapakita daw ng interest ang anak paglaki nito

- Bilang angkop na pagsisimula ng kanilang 1-year-old Severiano Elliott na maging komportable sa harap ng camera, naniniwala ang mag-asawa na ang paggawa ng mga commercials ay malaking tulong sa anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napanayam ng PEP ang Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga noong Huwebes, August 2, at dito niya umano sinabi na, nung nag-one daw si Seve, naging open daw sila sa opportunities na inoffer sa sikat na celebrity baby.

Ayon pa sa balita na nalaman ng KAMI mula sa media source, hindi maiwasan na mapabilib ang ina sa anak kaya nakasambit ito na:

"Parang we also felt na this will be a great memory when he grows up na, 'Did you know, among the family members, you're the most hard-working."

Dagdag pa ng Romantic-Comedy Queen:

"Because at age of one dinaig mo kaming lahat, nagtrabaho ka na.'"

Napanayam ang magkapatid na sina Toni at Alex Gonzaga sa launching ng kanilang latest endorsement, ang Nature Spring, sa Lola Cafe sa Quezon City, kung saan kasama din nila si Baby Seve.

Pero kahit naman busy na si Seve sa paggawa ng commercial, ikatlong TV commercial, bahagi pa ni Toni Gonzaga na si Seve ay still lives a normal childhood.

Patuloy na pagpaliwanag ng Host of all Hosts,

"It doesn't really demand so much of his time. He only does it for a special project. And he's not always on the set.He's a normal kid actually."

At lahat daw ng mga working projects ng kanilang sikat na celebrity baby ay nagtatago siya ng mga pictures doon para mayroon daw makita si Seve pag siya ay lumaki na.

Pagtatapos ng 34-year-old celebrity mom:

"Actually, I keep every thing in a folder, kasi ido-document ko 'tapos ilalagay ko sa album. So when he grows up, alam mo yun pag nag-18 na siya, nag-21 na siya, nag-asawa na siya, ipapakita ko sa asawa niya, sa [anak] niya, 'Ayan ang daddy mo o...Parang it's good for memories, to look back."

Si Toni Gonzaga o Celestine Cruz Gonzaga ay nag-asawa sa kanyang una at huling boyfriend na si director Paul Soriano noong June 12, 2015, 8th anniversary nila.

Nabahagi ng Ultimate Multimedia Superstar na sinagot niya si Paul sa araw ng kalayaan, at noong September 30, 2016, ay pinanganak nila ang kanilang first baby, ang kanilang unico hijo na si Severiano Elliott o mas kilala sa showbiz bilang si Baby Seve.

Kapatid ni Toni si Alex Gonzaga, ang sikat na vlogger at personalidad sa showbiz.

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel