Dating dabarkads pala! Toni Gonzaga, ibinahagi ang papel ng Eat Bulaga sa kaniyang hosting career

Dating dabarkads pala! Toni Gonzaga, ibinahagi ang papel ng Eat Bulaga sa kaniyang hosting career

- Nag share si Toni Gonzaga ng mga natutunan niya nang siya ay host pa sa Eat Bulaga

- Sinabi nitong tinuruan siya ng nasabing noontime show kung paano i-deliver ang hinihingi sa kanya

- Ipinahayag naman ni Vic Sotto na proud siya sa achievements ng aktres/host

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga ang mga natutunan niya nang siya ay unang maging host sa noontime show na Eat Bulaga ng Kapuso network.

Nalaman ng KAMI na 2002 nang maging isa sa mga main hosts si Toni sa longest-running noontime show sa bansa.

Inamin nito sa isang vlog ng kapatid na si Alex Gonzaga na malaki ang ginampanang papel ng Eat Bulaga sa kaniyang hosting career.

“Natutunan ko dati sa Eat Bulaga na ang hosting daw is presenting your personality and who you are to the world,” paliwanag ni Toni.

Sinabi pa nito na dapat may conviction sa pagdedeliver ng kung ano ang kailangan ng audience.

“It’s presenting who you are with conviction na dini-deliver mo yung what is ask of you to tell your audience. So kung naiinis siya (audience) sa’yo, edi naiinis siya sa personality na pinapakita mo sa TV,” dagdag pa ng aktres.

Dati nang nagpahayag si Vic Sotto sa isang interview ng ABS-CBN na proud siya sa mga proyekto na dumadating kay Toni.

"We'll always be proud of her. Sabi niyo nga, sa amin siya nagsimula. Basta kami, we'll always be happy for her. We always believe in her talent sa singing, hosting and comedy,” sabi ng Enteng Kabisote star.

Narito ang vlog ni Alex kung saan ibinahagi ni Toni ang kaniyang mga natutunan sa nasabing noontime show:

Sa naunang report ng KAMI, tinawanan at sinang-ayunan lang ng aktres at ng kapatid nitong si Alex ang basher na nagsabing duling si Toni.

Nagsimula si Toni sa local entertainment sa edad na 13 nang sumali siya sa singing competition na Metropop Star Search ng GMA-7.

Noong 2005, tinapos ng aktres ang kaniyang kontrata sa Kapuso network at sa Eat Bulaga upang upang maging isang Kapamilya. Dito naging suki si Toni sa pagho-host sa mga programa katulad ng Pinoy Big Brother at The Voice of the Philippines.

POPULAR: Read more news about Toni Gonzaga!

What will you do if someone walks up to you and your girlfriend in the street and ask you for her number? It’s a pretty awkward situation, isn’t it? You just need to imagine how you would react, while the “victims” of this Philippines prank had to answer this question! – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel