Hot mama pa rin! Nathalie Heart, ibinida ang kanyang baby bump

Hot mama pa rin! Nathalie Heart, ibinida ang kanyang baby bump

- Ipinasilip ng aktres na si Nathalie Hart ang kanyang baby bump sa kanyang Instagram followers

- Nitong nakaraang buwan lamang ay inamin niya na siya ay apat na buwan nang nagdadalangtao

- Ibinunyag niya din na nakatakda na silang ikasal ng kanyang Indian fiance

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang Instagram story, ipinakita ni Nathalie Hart ang kanyang mahigit 4 na buwan na baby bump.

Sa kanyang Instagram post, kita na rin ang pagdagdag ng kanyang timbang. Gayunpaman, kitang kita pa rin ang kanyang kagandahan.

Hot mama pa rin! Nathalie Heart, ibinida ang kanyang baby bump

IMAGE: Instagram story imnathaliehart

Apat na buwan na ang tiyan ni Nathalie Hart na kanyang ibinunyag sa press people habang nasa isang pocket presscon.

Sinabi din niya na naghahabol sila ng kanyang boyfriend na isang Indian National upang maikasal at nakatakda nga silang ikasal sa Disyembre ngayong taon.

"Mayroon nang laman... four months na ako," pagbubunyag ng aktres habang tinitingnan ang kanyang sinapupunan.

"Lalabas din naman ito. Pero maliit yung tiyan ko for four months.” dagdag pa niya.

Sa isang ulat ng PEP, maunawain umano ang kanyang boyfriend sa kabila ng mga role na kanyang ginagampanan na kadalasan ay mapangahas.

Dinadala din daw niya ito minsan sa taping upang makita nito at lalong maintindihan ang kanyang trabaho. “So, for me, it's important rin na ipakita ko rin kung anong ginagawa ko, what’s behind the scenes, at saka kung paano ako mag-interact with the people I work with.

“Hindi lang siya parang masasabi na, ‘Okay, kissing scene, may partner ka, gumagawa ka ng pelikula, iba-ibang partner mong lalaki…’

“Hindi naman ibig sabihin nun, pinagpapasa-pasahan ka na or something. Iba naman daw siya doon sa mga role na kanyang ginagampanan.

"It’s just that you’re playing a character. He has to understand that that character and you is different."

Sa naunang ulat ng KAMI, kahit kinakabahan, hindi daw pumasok sa isip ni Nathalie na huwag ituloy ang pagbubuntis.

Kasalukuyang napapanood si Nathalie Heart sa ABS-CBN drama series na The Blood Sisters at isa din siya sa mga bida ng pelikulang Abay Babes.

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Miss Vietnam’s answer in Miss Universe translated incorrectly, says ‘native speaker’

Miss Vietnam’s answer in Miss Universe translated incorrectly, says ‘native speaker’

Miss Vietnam’s answer in Miss Universe translated incorrectly, says ‘native speaker’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel