Babae inaresto dahil sa diumano'y pagpapanggap at panirang puri sa isang pamilya sa social media

Babae inaresto dahil sa diumano'y pagpapanggap at panirang puri sa isang pamilya sa social media

- Kalaboso nga ang isang babae na diumano'y gumagawa ng fake accounts at nagpapanggap bilang isa sa mga pamilya ng kanyang ex-boyfriend

- Ayon sa balita, kwento ng magkakapatid na noong 2015 pa daw nagsimulang gumuho ang kanilang reputasyon

- Ito ay dahil sa diumano'y paninirang puri ng naaresto na babae sa social media gamit ang mga fake accounts na ginagawa niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita na una naming naispatan sa All About the Philippines Facebook page ay binalita ng ABS-CBN News ang nasabing "entrapment operation" ng naturang babae sa Sta. Cruz sa Maynila nitong Biyernes lamang, August 3, 1980.

Ayon sa balita, gumamit daw ng ang babae ng ibang pangalan sa social media para diumano'y manira ng isang pamilya.

Nalaman ng KAMI na nagsimula niya daw itong gawin noong 2015, ayon na din sa kuwento ng magkakapatid na nabiktima ng nasabing babae.

Saad pa ng magkakapatid, gumuho umano ang kanilang reputasyon matapos kumalat sa kanilang mga kakilala ang mga diumano'y paninirang puri ng babae sa social media gamit daw ang kaniang mga pangalan.

Ani ng isang babaeng kapatid:

"Gagamitin po 'yung pangalan ko at sasabihin niya, kabit si ganito, kabit si ganiyan."

Dagdag pa sa balita ay ang mga mensahe daw ang mga diumano'y paninirang puri sa kanilang mga kapitbahay, mga katrabaho, at ibang tao.

Dahil nga pangalan nila umano ang nakalagay sa social media accounts, sa kanila naibunton ang mga galit nga mga taong sinisiraan ng nasabing babae.

Tingnan ang nasabing "entrapment operation," pagkahuli, at interview ng magkakapatid na biktima sa babang video.

Recently, our group did another social experiment, and this time, our aim is the safety of the children in public places.

How safe are they in public places?

Find out and learn how it ended with the video below.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
For the first time, Catriona Gray flaunts her national costume for Miss Universe 2018

For the first time, Catriona Gray flaunts her national costume for Miss Universe 2018

For the first time, Catriona Gray flaunts her national costume for Miss Universe 2018
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel