Walang kupas! Lea Salonga, ipinaalalang siya si Mulan sa pamamagitan ng isang viral video

Walang kupas! Lea Salonga, ipinaalalang siya si Mulan sa pamamagitan ng isang viral video

- Gumawa ng ingay sa social media ang video ni Lea Salonga habang kumakanta ng kaniyang current version ng Reflection

- Pinuri ito ng mga kasama ng aktres habang nagvi-video

- Hindi din nakaligtas sa mga komento at reaksyon ng netizens ang video ni Lea

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling pinatunayan ni Lea Salonga na siya ang nagsilbing singing voice ng bida sa 1998 animated film na Mulan nang mag viral sa social media ang kaniyang video habang kinakanta ang soundtrack nito.

Nalaman ng KAMI na ang soundtrack na muling binirit ng aktres ay “Reflection” na isinulat nina Matthew Wilder at David Zippel.

Sa video na inupload sa Facebook, hindi ininda ni Lea na halos dalawampung taon na nang una siyang gumanap bilang boses ni Mulan kung saan kinanta niya ang nasabing awitin.

Hindi din napigilan ng mga nanonood sa Miss Saigon star na mamangha sa boses nito.

“You sing great,” ayon sa isang tagapakinig.

Narito ang video ng The Voice of the Philippines judge/mentor:

Umani naman ng reaksyon ang video ni Lea sa social media. Narito ang ilan sa mga naging komento ng netizens:

“Loved how the background noise became silent... amazing!”

“Cannot basically spell CLEANLINESS without LEA.”

“Even though she has sung this song a countless times, she still sings it with so much passion and emotion. A true performer!”

Sa nakaraang report ng KAMI, pinaalalahanan ni Lea ang ibang mga singers na kumanta lang ayon sa kailangan at nararapat. Sinabi nitong dapat ay hanapin ng mga mang-aawit ang sweet spot ng kanilang mga boses.

Kilala si Lea bilang isang musical actress at bida sa musical plays na Miss Saigon at Les Miserables. Siya ang itinanghal na kauna-unahang Asian woman na nagwagi sa Tony Award.

POPULAR: Read more news about Lea Salonga!

What will you do if someone walks up to you and your girlfriend in the street and ask you for her number? It’s a pretty awkward situation, isn’t it? You just need to imagine how you would react, while the “victims” of this Philippines prank had to answer this question! – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang sipag nila! Celebrity stars spotted selling self-made products in a mall

Ang sipag nila! Celebrity stars spotted selling self-made products in a mall

Ang sipag nila! Celebrity stars spotted selling self-made products in a mall
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel