Ciara Sotto dumagdag sa listahan ng mga artistang umamin na dumanas ng depression

Ciara Sotto dumagdag sa listahan ng mga artistang umamin na dumanas ng depression

- Umamin nga ang anak nina Senator Tito Sotto at Ms. Helen Gamboa sa listahan ng mga artista na umamin na dumanas o dumadanas ng depression

- Kamakailan lang ay umamin ang ilang mga kilala at sikat na mga artista at ibang personalidad na dumanas ng depression

- Isa si Ciara Sotto sa natuwa na pinirmahan na ni President Rodrigo Duterte ang Mental Health Law dahil alam niya ang importansya nito sa mga taong dumadanas nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa PEP, sa ulat ng Inquirer.net, umamin daw si Ciara Sotto sa ginanap na forum tungkol sa mental health noong July 27, 2018, Biyernes na siya din ay dumanas ng depression.

Kaya nang pinirmahan na ng presidente ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte ang nasabing panukala ay isa siya sa mga natuwa sa pagsasabatas ng Mental Healt Law.

Ani pa ng aktres, malaki daw ang maitutulong nito sa mga taong nakakaranas ng ganitong kondisyon.

Sambit ni Ciara:

“With the passage of the mental health, I am optimistic that more and more Filipinos who are silently suffering from mental health conditions will get out of their hideaways and face the problem head on."

Dito rin umano, napa-amin si Ciara Sotto na siya din ay nakarans ng depression at para maiwasan ang hindi kanais-nais na mga resulta nito ay ibinaling niya ang kanyang atensyon sa mga physical activities.

Kilala si Ciara sa pagpo-pole dancing.

At pag-amin pa ng aktres:

“I myself suffered from depression. Although access to mental health was limited then, I was fortunate because I was able to cope up through various activities such as pole and areal sports and other workouts."

Dumalo umano si Ciara Sotto sa nasabing forum bilang kinatawan ng kanyang ama na si Senate President Tito Sotto, na siyang principal author ng nasabing batas at nandoon din si Senator Risa Hontiveros.

Nilagdaan ni President Duterte ang Philippine Mental Health Act o Republic Act No. 11036 noong June 21, Huwebes ngayong taon na binalita din namin dito.

Kabilang sa mga sikat at kilalang artista na umamin na nakaranas ng depression ay sina Vice Ganda, Nora Aunor, Nadine Lustre, Jake Zyrus, Jed Madela JM de Guzman, Kiana Valenciano, Sofia Andres, Ryza Cenon, Hashtag Paulo Angeles, 2016 Miss International Kylie Versoza, at ang Queen of All Media Kris Aquino.

Naglabas din naman ng payo ang DOH para maiwasan ang stress na pag di maagapan ay pwedeng maging depression na kamakailan lang ay binahagi namin dito rin.

Learn the best way to look good while you’re in the gym with our makeup for gym experts below.

Check out more exciting and fun tips and tricks on some beauty regimen and makeup tutorial videos among others by clicking here- BeKami YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin