Pinay OFW nilinlang kapwa Pilipino na mag-invest sa sibuyas, nakakuha libu-libong pinaghirapang dolyares

Pinay OFW nilinlang kapwa Pilipino na mag-invest sa sibuyas, nakakuha libu-libong pinaghirapang dolyares

- Isang Pinay ang sinampahan ng kaso ng dalawang Pilipino dahil sa pagkuha ng kanilang pera at di na naibalik

- Pinaniwala niya ang kapwa Pilipino na may kikitain sila sa pag-invest sa sibuyas

- Ang isang nabiktima ay pinapadala niya ang life-savings niya sa nasabing Pinay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakalungkot isipin ang nangyari sa ilang Pinoy OFW abroad na nalinlang ng kapwa nilang Pilipino.

Nalaman ng KAMI na nabiktima ang Pinoy ng umaabot sa $20,500 ng isang nagngangalang Analiza Daus-Amante.

Ang biktima naman ay si Arvin Calica at siya'y nasa Queens, New York nagtatrabaho.

Sabi ni Calica, inimbita daw siya ni Analiza na mag-invest sa onion farm sa Pilipinas.

Dahil naniwala siya dito, pinagkatiwala niya ang kanyang life savings sa babae at simula September 2017 pinadala niya ang kanyang pera dito via Western Union.

“Nung December 4, ginamit niya 'yung credit card ko sa Pilipino restaurant na kakilala niya sa Austin, Texas: isang $1,700 at isa hong $2,000 dollars. Dahil sa tiwala ko binigay ko 'yung credit card ko aprub niya,” sabi ni Calica.

Hindi lang pala si Calica ang naging biktima, may isa pang si Mylyn Princesa na na-meet din si Analiza sa New Jersey.

"She knows someone from PC Richards and they said I just have to give my license, ID number and so that’s what I did, and they processed the transaction. A month later, I was asking for the money… I keep hounding her for the money and then later on I received a check in the amount of $650, and when I cashed it, it bounced.”

Nagsampa na ng kaso ang dalawang Pinoy laban kay Analiza. Nakakalungkot isipin na kapwa nilang Pilipino ang nanlinlang sa kanila.

Tricky Questions: can you guess who the people on this new 1000 peso bill are? on Kami YouTube channel This video shows that there are only a few people in the country who know exactly who the persons are in our own peso bills.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)