Filipina-Canadian na babae inagawan umano ng cellphone ng isang teenager sa Canada

Filipina-Canadian na babae inagawan umano ng cellphone ng isang teenager sa Canada

- Nagviral nga ang subway altercation ng isang teenager na diumano'y kinuha ang cellphone ng isang Filipina caregiver

- Ayon pa sa balita, ito daw ay isang "racially charged" na away sa subway train sa Toronto, Canada

- Si Marilyn Quijencio, ang Filipina-Canadian na biktima, ay kasama umano ng isa pang Filipina-Canadian co-worker nang ang isang teenager at ang lalaking kasama nito ay nilapitan sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita na nakuha namin sa ABS-CBN News, nilapitan daw ang biktima na si Marilyn Quijencio ng isang teenager na babae at ang lalaki na kasama nito para humingi umano ng sigarilyo at pero, ayon pa daw sa CTV News Toronto report noong July 28.

Nalaman ng KAMI na ang Filipino-Canadians, na parehong papunta na umano sa kanilang trabaho sa nursing home, ay hindi pinagbigyan ang pares at hingi nila daw na iwan sila.

Saad daw ni Quijencio sa CTV News Toronto:

“I said, 'Go and find work so that you have money."

Pagkatapos daw nito ay sinabihan siya ng nasabing teenager na isa siyang immigrant na dapat umano bumalik sa China, at kinuha daw ang cellphone nito, ayon naman daw sa isang separate report ng Toronto Sun.

Isa namang video ang nairecord ng isang pasahero na nagpapakita sa pakikpagsagupa para sa cellphone, kung saan maririnig at makikita din ang teenager na nagsasabi na gusto lang daw niyang edelete ang video na siguro nakunan ni Quijencio.

Pagbukas daw ng train doors sa isang subway stop, tumakbo daw sa platform ang teenager dala dala ang phone ng biktima habang hinabol ng huli ito.

Dagdag pa umano ni Quijencio sa Toronto Sun:

"She ran faster than me. After that I never saw her again."

Pero kalaunan ay nakilala ang suspect sa insidente na si Tashia James na isang 19 years old na sumerender daw sa mga awtoridad noong Miyerkules, ayon naman sa CTV News Toronto.

Wala daw fixed address ang suspetsado na nacharged ng "robbery and failure to comply with probation over the incident," ayon sa balita ng Toronto Sun.

Ang YouTube video na inupload ni Margaret Anthony ay umanot na sa halos kalahating milyon ang views.

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Isa lang siya! Doktor, motor lang ang gamit bilang ambulansya sa isang buong isla

Isa lang siya! Doktor, motor lang ang gamit bilang ambulansya sa isang buong isla

Isa lang siya! Doktor, motor lang ang gamit bilang ambulansya sa isang buong isla
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel