'Anong masama dun?' Blogger, Mocha Uson rumesbak sa mga kritiko ng 'pepederalismo' video scandal

'Anong masama dun?' Blogger, Mocha Uson rumesbak sa mga kritiko ng 'pepederalismo' video scandal

- Binatikos nang husto ang blogger at si Mocha Uson na nagpasimuno ng "pepederalismo"

- Sa kanilang FB live, sinayaw with matching action pa ng kasama niyang blogger na si Drew Olivar ang nasabing jingle

- May resbak na nagyon si Mocha at ang kapwa blogger at walang sorry na narinig sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng sobrang daming batikos mula sa iba't-ibang sektor, kasama na sa mga matataas na opisyal ng bansa si Mocha Uson at ang kanyang co-host na blogger na si Drew Olivar.

Nalaman ng KAMI na nag-live si Mocha at ang kanyang cohost at dito sinayaw na ni Drew ang diumano'y jingle ng kampanya ng pederalismo.

Kahit na umindak na nang husto si Drew, hindi nakapasa sa maraming tao ang nasabing jingle dahil sa mga wordings nito.

Sabi ng kanta, "Ipepe, ipepe. Idede, idede. Ipede, pede, pede, pederalismo." May action pang kasama ang pagkanta ni Drew.

Ayon sa report ng ABS-CBN, sinabi ni Mocha Uson, "Bago pa po ako pormal na kausapin ng representante ng ConCom at ng Communications Group ng DILG patungkol sa federalism ay nai-shoot na namin itong video na ito, at matagal na naming ginagawa ang online game show na ito.

"Hindi po ako ang spokesperson ng federalism. Hindi po ako ang ambassadress ng federalism. Isa lamang po ako sa mga tutulong para isulong ang kampanya ng federalism sa social media," sabi ni Mocha.

Sabi naman ng kasama niyang si Drew, "Bakit, anong masama doon? Kayo nagbibigay na parang pekpek daw tas dede. Kayo ang makukuwan mga pag-iisip. Andudumi ng mga pag-iisip ninyo."

"Ang dami-daming trivia doon sa video, ang dami-daming magagandang nasabi about sa pederalismo. Pero bakit 'yan lang ang inyong napansin? Bakit itong sayaw-sayaw lang na ito? Naiingit lang kayo."

Isa na si Sen. Koko Pimentel ang bumatikos sa dalawa.

Si Mocha Uson ang appointee ni Pres. Rodrigo Duterte. Siya ang kasalukuyang PCOO Assistant Secretary.

POPULAR: Read more about Mocha Uson

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang sipag nila! Celebrity stars spotted selling self-made products in a mall

Ang sipag nila! Celebrity stars spotted selling self-made products in a mall

Ang sipag nila! Celebrity stars spotted selling self-made products in a mall
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel