Lalaking nagsisigaw na holdaper ang kasama niya sa BDO Marikina, nagpaliwanag na

Lalaking nagsisigaw na holdaper ang kasama niya sa BDO Marikina, nagpaliwanag na

- Nagbigay na ng salaysay ang lalaking nagsisigaw sa loob ng BDO Marikina

- Sinabi niyang biktima siya ng kidnapping for ransom at naghanap lamang siya ng paraan para mailigtas ang sarili

- Nahuli naman ang dalawang suspects nang rumisponde ang police anti-kidnapping group

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isinalaysay ng lalaking napabalitang nagsisigaw sa loob ng BDO Marikina ang buong detalye kung bakit niya nagawa ang naturang eskandalo.

Nalaman ng KAMI na nag-ugat ang lahat nang makipag transaksyon ang nasabing lalaki na pinangalanang Alyas Gary upang bumili ng kotse sa suspect na si Christian Rueda.

Dalawang linggo matapos ang naganap na bilihan, nadiskubre ni Alyas Gary na may diperensya ang SUV na binili nito.

Ayon pa sa kanya, nakipagkita siyang muli kay Christian at sa kaibigan nitong si Jiovanni Ojeda na isa raw mekaniko upang magsagawa ng road test.

Ngunit hindi inaasahan ni Gary na dadalhin siya ng dalawa sa isang eskinita upang tutukan ng baril at bugbugin.

Dinala diumano ang 28-anyos na biktimang si Gary sa isang safehouse at hiningian ang pamilya nito ng P300,000 bilang ransom.

Nang hindi makapagbigay ang pamilya ng biktima, nakiusap si Gary na payagan siyang mag withdraw ng P43,000 galing sa kaniyang passbook account sa BDO Marikina.

Pumayag naman ang dalawang suspects ngunit binantaan nito si Gary na papatayin kapag gumawa ng eskandalo.

"Sabi sa akin kapag gumawa raw ako ng gulo, babarilin daw ako ng kasama niya agad-agad," pahayag ng biktima.

Lalaking nagsisigaw na holdaper ang kasama niya sa BDO Marikina, nagpaliwanag na

Screenshot ng video

Isinalaysay pa nito na si Jiovanni ang sumama sa kanya sa loob ng bangko habang naghihintay si Christian sa kotse.

Dito na nakahanap ng paraan si Gary upang makahingi ng saklolo. Noong una, mahina lang daw ang senyas niya sa security guard ngunit nang hindi siya nito maintindihan, napilitan na siyang magsisigaw na holdaper ang kasama niya.

Sa naunang report ng KAMI, tumakbo palayo ang mga suspects nang magsimulang mag eskandalo si Gary. Nakatakas sila gamit ang kotse na naplakahan naman ng ilang nakakita sa pangyayari.

Narito ang video ng insidente:

Dahil dito, agad na nahuli ng police Anti-Kidnapping Group ang mga salarin. Sasampahan sila ng kasong Kidnapping for Ransom and Serious Illegal Detention.

What will you do if someone walks up to you and your girlfriend in the street and ask you for her number? It’s a pretty awkward situation, isn’t it? You just need to imagine how you would react, while the “victims” of this Philippines prank had to answer this question! – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel