4 na college students, arestado sa pag-kidnap sa 19 taong gulang na estudyante ng Letran
- Arestado ang apat na estudyante sa mga kilalang unibersidad sa pangingidnap sa kapwa nila estudyante
- Humihingi pa di umano ang mga suspek ng 30 milyong piso na ransom para sa ayaw magpakilalang biktima
- Matagumpay namang na-rescue ang biktima na isang 19 taong gulang na estudyante ng Letran
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Arestado ang apat na estudyante ng mga kilalang unibersidad dahil sa di umano'y pangingidnap sa isa rin estudyante ng Letran.
Nalaman ng KAMI na na-rescue ng mga pulis ang ay ayaw magpakilalang 19 na taong gulang na estudyante mula sa kanyang mga kidnappers na dinala siya sa Tondo, Maynila.
Ayon sa ulat ng Rappler, Agosto 1 nang na-kidnap ang estudyante kasama ang kanyang kaklase na si Jhulius Atabay habang naghihintay sila ng bus malapit sa Central Station ng Light Rail Transit Line 1 sa Maynila.
Bago pa man daw makasakay ng bus ang mga biktima, 6 na di kilalang armadong lalaki ang isinakay sila sa isang puting Toyota Innova at dinala sila sa di malamang lugar.
Dagdag ng pulisya, pinakawalan daw si Jhulius at telepono pa raw ang ginamit nito na pantawag upang mag-demand ng 30 milyon bilang ransom.
Humingi na ng tulong ang pamilya ng natitira pang biktima sa mga pulis at dito nila nalaman na si Jhulius pala ang mastermind ng kidnapping na ito.
"He didn't want to turn over the phone used in the negotiations. Kidnappers spoke to him and he relayed their messages to the victim's family, which is unusual," ani PNP AKG head Chief Superintendent Glen Dumlao.
Sa pagsasagawa ng interogasyon, napaamin si Jhulius at itinuro ang kinaroroonan ng biktima.
Agosto 2 bandang 10:30 ng umaga nang ma-rescue ang biktima sa 285 Nava Street, Barangay 132 in Balut, Tondo, Manila.
Bukod kay Jhulius, naaresto na rin sina Ferdinand dela Vega Jr ng Letran, Ralph Emmanuel Camaya ng Letran at Justine Mahipus ng St. Benilde.
Sila rin mismo ang nagturo kay Jhulius bilang mastermind ng isinagawang kidnapping. Pinangakuan pa raw sila ng 50,000 hanggang 4 na milyon kung naging matagumpay ang kanilang ginawa.
Samantala, pinaghahanap pa rin ang mga sumusunod na mga estudyante na tinuturo ring suspek sa pangingidnap:
Eriek Candava - Letran
Billy Rocillo - Letran
Miguel Austria - Letran
Kim Pascua - Letran
Gabriel Rabi - Far Eastern University
Arvi Velasquez - Parañaque flying school
Nahaharap ang mga suspek sa kasong kidnapping for ransom.
This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI youtube channel.
Source: KAMI.com.gh