CJ Ramos, isiniwalat ang matinding dahilan kung bakit nauwi siya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot

CJ Ramos, isiniwalat ang matinding dahilan kung bakit nauwi siya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot

- Nahuli kamakailan si CJ Ramos dahil di umano sa paggamit daw ng ipinagbabawal an gamot

- Nang siya ay nagbinata na, nawalan na raw siya ng proyekto sa showbiz

- Dala ng matinding depresyon dahil sa kahirapan na dinanas nang wala nang career, napasama sa maling barkada si CJ at doon natutong gumamit ng ipinagbabawal na gamot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan lamang ay ginulat tayo ng balita na nadampot ang dating child star na Cromell John Ramos o mas kilala bilang CJ Ramos sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City.

Unang naibalita ng KAMI na noong Hulyo 31, nahuli si CJ sa Tandang Sora Quezon City na bumibili di umano ng droga. Naalarma ang ama ni CJ na si Pomel Ramos dahil di raw ito sumasagot sa tawag sa cellphone. Naaman na lamang nito na nakakulong pa la ang anak at kahit paano'y nagpasalamat si Pomel na buhay pa si CJ.

Nalaman ng KAMI na matindi pala ang pinagdaanan ni CJ matapos mawalan ng career sa showbiz.

Naranasan pa nilang takbuhan ng isang nangutang sa kanila ng malaking halaga, dahilan para lalo silang maghirap.

Bata pa lang nang nagsimula sa showbiz si CJ. Ito rin ang naging daan upang guminhawa ang kanilang buhay. Sunod sunod noon ang kanyang mga proyekto at nanalo pa siya ng best performance sa pelikulang Tanging Yaman.

Kaya naman ng nawala siya sa telebisyon, nanibago talaga si CJ sa takbo ng kanilang buhay. Naranasan niyang kumain ng sardinas at itlog madalas ang ulam taliwas sa dati nilang buhay noong siya at nasa showbiz pa.

Pagpatak daw kasi ni Cj ng high school nagsimulang manamlay ng kanyang karera. Alanganing bata, alanganing matanda na raw kasi siya. Wala rin daw siyang manager na kahit paano ay mag-aalaga ng kanyang propesyon.

May naipundar naman daw si CJ. sa kasamaang palad unti-unti raw itong nawala. Ang halos isang milyon niyang naipon na sana ay gagamitin niya sa kanyang pag-aaral ay natangay lamang ng taong pinagkatiwalaan nilang pahiramin na di naman na pala sila babayaran.

Sa matinding hirap na dinaranas, nagsimula na ring makaramdam ng depresyon si CJ. ito rin ang yugto ng kanyang buhay niya kung saan napasama siya sa maling barkada.

Dala ng lungkot at depresyon, nagsimula si CJ na dumepende sa ipinagbabawal na gamot. Aminado si CJ na napabayaan niya talaga ang kanyang sarili, naaabuso na niya ang kanyang katawan. Ngunit, dun din niya naisip na dapat ay tigilan na niya ang paggamit dahil pansamantalang kaligayahan lang naman ang kaya nitong ibigay sa kanya.

Sinubukan namang tumigil ni CJ sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ayaw niya raw kasing makitang nalulungkot ang mga magulang niya at ginawa niya rin iyon para sa kanyang anak. Nakaya niyang bumitaw sa droga sa loob ng isang taon.

Nag-aral pa raw ito sa Tesda at nag-apply pa nga ito sa ibang bansa. Ngunit tila naging mailap na naman ang swerte kay CJ at nagkaroon ng problema ang kanyang pag-alis dahil para siya ay ma-depress muli.

At sa ilang araw pa lamang niyang pagkakakulong, dun niya naisaisip ang napakaraming realisasyon.

Walang ibang hangad ang aktor kundi ang makalaya at makasama ang pamilya at sana raw ay magkaroon pa siya ng magandang buhay.

Sabi nga ni Korina Sanchez na siyang nakipanayam kay CJ, bata pa raw ito at marami pang pwedeng mangyari sa buhay basta lamang kailangan niyang iwanan talaga ang pagbibisyo.

Kaya naman umaasa si CJ na sa muling pagbangon niya, magiging maayos na ang lahat nang walang droga sa kanyang sistema.

How do single people live? Do they suffer from loneliness, or are they truly happy without a romantic relationship? Rated K: CJ Ramos one on one with Korina on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law

Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law

Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel