10-anyos na anak, emosyonal na nagsulat sa amang sumama sa kabit, ‘Mahal na mahal kita daddy’

10-anyos na anak, emosyonal na nagsulat sa amang sumama sa kabit, ‘Mahal na mahal kita daddy’

- Inireklamo ng isang ina at 10-anyos nitong anak ang kanilang padre-de-pamilya dahil sumama na ito kaniyang kabit

- Isang emosyonal na sulat naman ang ipinaabot ng anak sa ama

- Napatigil naman sa pag iyak ang bata sa naging tugon ng ama nang magkaharap na sila sa programa ni Raffy Tulfo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo sa TV5 ang isang mag-ina na iniwan ng kanilang padre-de-pamilya at diumano’y sumama sa kabit nito.

Nalaman ng KAMI na ang munting kahilingan ng 10-anyos na anak kaya ito humingi ng tulong ay ang makausap at makita ang kaniyang amang si Rodrigo Valladores.\

10-anyos na anak, emosyonal na nagsulat sa amang sumama sa kabit, ‘Mahal na mahal kita daddy’

Screenshot sa video

Ayon sa bata, hindi daw sinasagot ng kaniyang ama ang mga tawag nilang mag-ina.

“Daddy, bakit hindi mo sinasagot yung tawag namin ni mama? Tapos nung pumunta kami sa barangay, bakit hindi ikaw ang nagpakita? Yung kabit mo tapos si lola ang nagpakita,” ayon sa anak.

Malungkot na inamin ng bata na dalawang buwan na silang hindi nagkikita ng kaniyang ama. Mayroon din daw itong sulat sa ama kung nagpakita lamang ito sa barangay.

“Mahal na mahal kita daddy,” sabi sa sulat.

Agad namang sinagot ni Rodrigo ang anak at nangakong makikipagkita sa kanila sa istasyon mismo ng TV5.

“Sabi mo doon ka lang sa van matutulog. Bakit doon ka natutulog sa bahay ng kabit mo,” kompronta ng bata nang magkaharap na sila.

10-anyos na anak, emosyonal na nagsulat sa amang sumama sa kabit, ‘Mahal na mahal kita daddy’

Screenshot sa video

Nangatwiran naman si Rodrigo na hindi naman daw niya pinababayaan ang pamilya nito. Kaya lang daw siya umalis ay dahil pinagbabantaan siyang ipapakulong ng asawa.

Sa kabila nito, hindi inasahan ng 10-anyos na bata ang naging tugon ng ama para matuldukan na ang kanilang problema.

“Uwi tayong Masbate ngayon,” masayang pahayag ni Rodrigo.

Narito ang video:

Sa video naman na ipinadala ng asawa ni Rodrigo ilang araw matapos ang pag-ere ng kanilang kaso, masayang ibinalita ng bata ang sitwasyon nila sa probinsya.

“Bumalik po ulit si daddy sa Maynila kasi kailangan niya pong magtrabaho. Pero nangako po siyang uuwi sa birthday ni mama. Daddy, paglaki ko po, ako naman ang magta-trabaho para sainyo ni mama,” mensahe ng anak.

What will you do if someone walks up to you and your girlfriend in the street and ask you for her number? It’s a pretty awkward situation, isn’t it? You just need to imagine how you would react, while the “victims” of this Philippines prank had to answer this question! – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Catriona Gray, makapanindig-balahibong kinantahan ng ‘Lupang Hinirang’ sa Thailand

Catriona Gray, makapanindig-balahibong kinantahan ng ‘Lupang Hinirang’ sa Thailand

Catriona Gray, makapanindig-balahibong kinantahan ng ‘Lupang Hinirang’ sa Thailand
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel