Pilipinas sasali na sa 2018 Asian Games sa Indonesia! Ipinaalam na ang bubuo ng team Philippines

Pilipinas sasali na sa 2018 Asian Games sa Indonesia! Ipinaalam na ang bubuo ng team Philippines

- Pagkatapos ng balita nagpa-anunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na hindi na sasali ang koponan ng Pilipinas sa basketball, marami ang nadismaya

- Isa na rito umano ay ang basketball legend na si Robert Jaworski, at iba pang mga sports fans na nagsasabi na marami pa naman daw ibang players tayo na pwedeng maglaro para sa bansa

- Tila narinig ito ng SBP dahil kahapon, Linggo, August , 5, 2018, naghold ng press conference ang samahan at inihayag na tuloy ang pagsali ng Pinas sa Asiad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita hatid ng Phil Star Global, nagkaroon nga ng press conference ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para ipaalam sa mga Filipinos ang pagsali ng ating bansa sa 2018 Asian Games na mag-uumpisa sa August 18, 2018, sa Indonesia.

Nalaman ng KAMI mula sa nasabing ulat na napakinggan nila ang pag-ingay ng mga basketball fans dahil sa pagwithdraw ng Pilipinas sa Asiad.

Ang 18th Asiad ay gaganapin sa Jakarta, Indonesia mula sa August 18 hanggang September 2 ngayong taon.

Bago pa man matapos ang press conference, ang POC secretary general Patrick Gregorio ay pumasok at nag-announce na ang Olympic Council of Asia at ang Indonesian Asian Games Organizing Committee ay tinanggap ang "reentry" ng team Philippines.

Dagdag pa nila, ang head coach ng Team Philippines ay si Yeng Guiao at assisted by Caloy Garcia.

14 players daw ang naka line-up para lalaban ang bandila ng Pilipinas sa Asiad pero 12 lang sa kanila ang sure mapapadala dahil ito lang naman ang kailangan.

Anim sa mga players na ito ay manggagaling sa Rain or Shine na sina Maverick Ahanmisi, Chris Tiu, Gabe Norwood, James Yap, Beau Belga, at Raymond Almazan.

Mula naman sa GlobalPort ay si Stanley Pringle, at galing naman sa Magnolia ay si Paul Lee.

Si Poy Erram ng Blackwater ay kasama din, at si Don Trollano naman ng TNT.

Dugtong sa balita, makakasama din si Christian Standhardinger ng San Miguel, at si Asi Taulava ng NLEX.

Makakasama din sa line-up ang mga Gilas cadets ay sina Kobe Paras at Ricci Rivero.

Una naming binalita ang tungkol sa 16 posibleng manlalaro na mapasama sa pool ng lineup ng lalaro para sa Pinas sa Asiad, napasama din ang pangalan ng Fil-Am Cavs na si Jordan Clarkson hanggang sa balita na hindi na sasali ang bansa sa Asian Games.

Lumabas ang desisyon na ito pagkatapos marinig ang ingay na ginawa ng mga basketball fans at ang pagkadismaya din ng basketball legend na si Robert Jaworski.

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Isang fan, hinamon si Manny Pacquiao ng suntukan sa isang event!

Isang fan, hinamon si Manny Pacquiao ng suntukan sa isang event!

Isang fan, hinamon si Manny Pacquiao ng suntukan sa isang event!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel