Nobya, buong tapang na inamin ang panloloko sa bf na parte lamang daw ng kanyang paghihiganti

Nobya, buong tapang na inamin ang panloloko sa bf na parte lamang daw ng kanyang paghihiganti

- Nag-viral ang post ng netizen na si Bea Katigbak, isang girlfriend na umaming ng pagkakamali at pagkukulang niya sa kanyang naging nobyo

- Buong tapang na inako ni Bea ang pagkakamali bakit humantong sa hiwalayan ang kanilang masayang relasyon na hinahangaan ng marami

- Masaklap man ngunit kalaunan ay naghiwalay din ang dalawa dahil nasasaktan na lamang daw nila ang isa't isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa facebook ang matapang na post ng netizen na si Bea katigbak. Ito ay patungkol sa lalaki raw na niloko niya at ito ay walang iba kundi ang kanyang nobyo.

Aminado si Bea na halos uminog na ang buong mundo niya noon sa kayang boyfriend at dumating pa sa punto na nagsama na sila kahit di pa naman sila kasal.

Gaya ng karamihang mga relasyon, masaya talaga ito sa una. Ngunit kalaunan, susubukin talaga tayo ng tadhana.

Sa kasamaang palad, sa kaso nina Bea at kanyang nobyo, dumating sila sa punto na nasasaktan na nila ang isa't isa. Niloko siya ng kanyang nobyo noong siya ay nagbubuntis sa pangalawa nilang anak. At dahil sa mapusok na mundo, nagawa ring lokohin ni Bea ang nobyo.

Narito ang kabuuan ng salaysay ni Bea na sana'y magsilbing aral sa mga gaya nilang bata pa ng pumasok isa inaakala nilang seryoso na at permanenteng relasyon.

To the man I cheated on, I love you so much but i have to let you go.

Some of my friends, your friends , my family and yours keep on asking bakit biglang ganun? Okay pa kayo diba? Saya saya nyo pa sa pictures nyo? Pano si Vianna? Ano ba nangyari?

Hi, I just want you to know that iloveyou and Im letting you go. I want you to become happy even that happiness no longer includes me.

First time I saw you, di ko lubos akalain na aabot ako sa point na mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko. That was April 30,2015 audition natin sa isang online modeling workshop. Siguro tinadhana na rin na makilala kita. Hindi lang makilala kundi maging bahagi ka ng buhay ko.

I breakup with my ex boyfriend(puppylove na matatawag) because I feel so comfortable with you. I don't know pero sobrang saya ko nung naging bahagi ako ng buhay mo at ganun din ikaw sa buhay ko. Kahit alam ko na naging panakip butas mo lang ako.

Months passed, unti unti kang nakakamoved on. Ako sobrang saya ko, kahit na alam ko na yung saya na yun ay isang dissappointment para sa magulang ko. Pinag aaral nila ako, pero di ako pumapasok para lang makita kita. Ganun naman siguro? Tinamaan ako. Sobrang lakas ng tama ko sayo . Hanggang sa dumating na nga yung point na i think tama yung ginagawa ko pero mali yun para sa mga magulang ko at lalo na sa Lord. Nag live in tayo, sayo umikot ang mundo ko, umabot pa sa point na ayoko na makita pamilya ko at mga kaibigan ko kasi ayoko umalis sa tabi mo.

Di ako natutulog hanggat hindi ka umuuwi ng bahay. Sobrang saya ko sayo nuon. Gala tayo dito gala duon. Lumipas ang buwan, mas lalo pa kitang minamahal, kapag aalis ka di kita pinapayagan gusto ko ako lang kasama mo. Nagagalit ako kapag umiinom ka ng alak ikaw may tama na hanggang sa umabot na din tayo sa point na nasasaktan mo na pala ako physically. May mga nakakaflirt ka din sa chat? Even though sayo wala lang yun as babae at girlfriend mo nasasaktan ako emotionally.

Untill one day, nagising tayo na, tadaaaa magkakababy na tayo. At first takot na takot tayo pareho kasi di natin alam pano gagawin. 4months bago tayo nakapagpacheck up sa doctor. Kasi tinago natin yun sa lahat. Then one day, nalaman na nila. Akala ko itatakwil ako, pero mali pala ako. Tinanggap nila ako, ikaw at yung magiging anak natin. Even though dissappointed sila winelcome nila tayo. Syempre Im pregnant that time. May hormones changes. Sobrang selosa ko. Grabe ako mag overthink. Stress ako sa walang katuturang bagay. Hanggang sa nanganak ako ng wala sa oras. Our baby is premature and died because of Pneumonia. Thank you for cheering me up. And kahit delikado tinake natin yung risk para lang maibsan yung sakit na nararamdaman natin. We make baby again! Thank God kasi kahit grabe yung selan ko sa pagbubuntis imagine 4months ako bedrest. Kinaya natin. Kahit niloko moko. Di ka agad umamin. May nangyari or wala iisa lang yun eh You cheated on me.: Ewan ko ba, daming babae sa paligid mo. Syempre manager ka at GGSS de joke. Napakagaling mo makisama sa kahit anong uri ng tao. Wala pa akong ibang alam na lalaking katulad mo magisip. After ko manganak kay Vianna via c-section (maraming salamat sa lahat ng sakripisyo) naging okay tayo. As in okay na okay. Sobrang saya natin both. Alam ko naman na nagbago ka na. Ramdam ko yun, wala nang libido ng kalandian yung dumadaloy sa dugo mo. Sometimes nasakin narin yung mali kasi yung pagiisip ko narin. Sorry pala kasi minsan ramdam mo na nasasakal kita.

Hanggang sa ayun na nga. Stable na tayo. Pero may isang bagay talaga na palagi natin pinagtatalunan mula umpisa, ayun yung bonding mo sa friends instead of family first dapat. Palagi kang umiinom. Na para sakin di na ata tama pero sayo always tama kasi point mo is pakikisama. Ayun nga sa ganun bagay talaga magkasalungat tayo.

Na hindi ko alam at wala akong idea na kaya ka nagbubuild ng friendships na rin sa iba kasi gusto mo masaksikan ng mga tao kung ganu ka ka lucky na at ka proud sakin, gusto mo pala na iharap ako sa knila sa araw ng kasal natin, iiyak ang mga pinagdaanan at ipagmalake mo ako ng walang katulad. Kaso ang ending nganga. Sana pala ikakasal na tayo. Wala nagpakagago ako eh.

Ayun nga sinikap mo na pag aralin ulit ako. Kasi gusto mo maipakita sa parents ko na gusto mo matupad ko yung pangarap nila sakin na makatapos ng pagaaral. Thank you so much. I really appreciate that effort.

So ayun nga to make the story short I cheated on you. Sorry kasi nung panahon na niloko kita ang tanging tumatakbo lang sa utak ko ay bad sides mo. Napaka selfish ko. Kasi ni hindi ko naisip si Vianna hindi ko naisip lahat ng sakripisyo mo sa family natin na binibuild. Lahat lang ng inisip ko sayo ay yung mali mo. Yung kawalan mo ng time sakin. Yung sobrang busy mo di mo na ako napapansin nasisigawan mo nako na napaparinig ng father ko. Ni hindi ko naisip na busy ka dahil nagtatrabaho ka para sa amin ng anak natin.

Until one day, nalaman mo nga. Im depressed. Umabot ako sa point na naglalaslas nako. Inuuntog ko na yung ulo ko sa matitigas na bagay. May pasok pa nun sa school makikita ng classmates ko may laslas ako. Katangahan diba? Ikaw ung dapat na nasaktan kasi i cheated on you. Pero ako yung labis na nasaktan din kasi nagalit ako sa sarili ko. Bakit nagawa ko sayo yun. Sa inyo ng anak natin. Kinausap tayo ni Da. Tinanggap mo ako. Tama si Da, na kahit niloko mo ako dati, di parin sapat yun para lokohin din kita.

We decided na lumipat ng bahay para makapagsimula ulit. Pero instead na makapagsimula ulit palagi na tayo nagaaway. Sumbatan ganun. Hindi na healthy. Pati si Vianna naaapektuhan natatrauma sya na nakikita nya tayo nag aaway. Hanggang sayo ayun nga inamin mo sakin na hindi mo ako mapapatawad kahit ano gawin ko. Na lahat ng paghingi ko ng tawad at pagbabagong ginawa ko di pala enough para dun sa kapatawaran na hinihingi ko. Depressed na naman ako kasi ayoko na maghiwalay tayo. Mahal na mahal kita at nasanay na ako na palagi kitang kasama na part ka na ng buhay ko. Pero hindi mo na kaya. Lalo lang kita nasasaktan sa araw araw na naaalala mo yung ginawa ko sayo. Nagpopost tayo ng pictures sa fb to show them(family,relatives,friends) na okay tayo pero ang totoo hindi.

Ito yung mga bagay na tumakbo sa isip ko, "Nung nasaktan mo ako,tinanggap kita. Nung nasaktan kita, tinanggap mo ako nung una pero bumitaw ka din"

Pero ayun nga napaganda na din na nakapag usap tayo ng maayos para sa anak natin. Alam ko na hindi ganun kadali yung mapatawad mo ako. Sana alam mo din sa sarili mo na may mali ka rin? Hindi kita sinusumbatan .:)Kasi ikaw yung tipo ng tao na walang makakatalo basta alam mo na tama yung pinaglalaban mo. Hindi kita papakialaman sa buhay mo na kasi kilala kita gumalaw.:) Thank you din sa efforts to make memorable yung 1st birthday ni Vianna.

Gusto ko lang din malaman mo na mahal na mahal parin kita hanggang ngayon kahit alam ko na hindi na maibabalik agad yung pagmamahalan natin na tulad ng dati. Normal lang siguro na masaktan ako diba lalo na kapag makita or malaman ko na theres someone na nagpapasaya na sayo na dati ako yun. Sorry din kasi kahit hanggang kahapon kahit wala na tayo ay umaasta parin ako na pagaari kita. Na tayo parin. Gusto ko malaman mo na wala akong pinagsisisihan na ikaw naging tatay ng anak ko :) Wala akong kasiguraduhan kung magiging tayo parin sa huli. Napaka swerte ko kasi kahit wala na tayo yung makakabuti parin samin ni Vianna inisip mo kahit na wala na tayo yung advise mo na gawin ko is be wise. Kahit masakit, ipinaintindi mo sakin na sa panahon ngayon napakarami mapagsamantala na kailangan ko isipin mabuti bago ako papasok sa isang sitwasyon.Mahal na mahal kita, sorry sa sakit na naidulot ko, salamat sa buhay mo, lets be friends nalang din para kay Vianna. Hindi ko makakalimutan lahat ng pinagdaanan natin thru good and bad times na kinaya natin. Malaya ka na.

Magiging matatag ako para sa sarili ko, para sa anak ko at para di na maulit yung kamalian na nagawa ko. Aminado ako na nawala ang Lord sa center ng puso ko kung bakit nangyari toh.

Gusto ko lang din ishare sa iba na makakabasa nitoh una sa Family, friends and relatives ko na wag nyo po sana kami husgahan. Tao lang po kami nagmamahal at nagkakamali. Sabihin nyo na po ang gusto nyong sabihin sa akin. Tandaan po natin na walang perpektong tao.

Para sa mga teens dyan na pasaway, uy makinig tayo sa parents natin kasi di nila tayo ipapahamak. Alam nila kung ano yung best para sa atin. Wag din natinuugaliin na ang pagkukulang ng isa ay hahanapin natin sa iba. Hindi basta basta ang pagpapamilya. Hanggang binata at dalaga habang nag aaral at pinag aaral kayo, grab nyo yung chance. Think before you click ika nga At palagi nyo ilalagay sa center ng puso nyo ang Panginoon kasi pretty sure hindi kayo maliligaw ng landas. Sya ang nakakaalam ng lahat. At walang problemang ibinibigay sa atin ang panginoon na hindi natin kakayanin.

Thank you! Godbless sa ating lahat.

How do single people live? Do they suffer from loneliness, or are they truly happy without a romantic relationship? Netizens Speak Up: What Is It Like To Be Single? | HumanMeter on KAMI youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica