Humaharurot sa gilas ang "do-it-all" guard ng Ginebra na si Scottie Thompson

Humaharurot sa gilas ang "do-it-all" guard ng Ginebra na si Scottie Thompson

- Sa unang "nip-and-tuck" na sagupaan sa 2018 PBA Commissioner's Cup finals, pinatunayan ng Barangay Ginebra na sila ay mas malakas at flexible na koponan kaysa San Miguel team

- Sa sports balita ngayon ay nagmayagpag ang "do-it-all" guard ng Gin Kings na si Scottie Thompson na nagwagi bilang Best Player sa Game 5

- Noong Linggo, August 5, 2018, inuwi ng Ginebra ang panalo sa laro laban sa kanilang kapamilya na koponan ang Sang Miguel Beermen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binulabog ng "do-it-all" guard ng Barangay Ginebra na si Scottie Thompson ang sunod-sunod na panalo ng San Miguel Beermen.

Napag-alaman nga ng KAMI na pinalubog nga ni Thompson ang straight na panalo ng Beermen sa Game 5 ng 2018 PBA Commissioner's Cup finals best-of-7 series.

Sa balita na nakuha namin sa Rappler, naganap ang nasabing laro sa Araneta Coliseum noong Linggo, August 5, 2018.

Natalo ng Gin Kings ang Beermen sa score na 87-83, apat na puntos lamang ang koponan ng Ginebra, at ito ay dahil kay Scottie Thompson na nagbigay ng 20 points.

Nagtala si Thompson ng 6 na sunod na puntos para sa kanyang koponan nang sila ay nagtrail sa score na 80-83 sa huling 1:07 na minuto.

Kaya naman naudlot ang paharurot sa championship win ng Beermen.

Ang "do-it-all" guard na si Scottie Thompson ay nagbigay ng 11 rebounds at 3 assists, na naglubog sa kanyang mga freebies kasunod ng isang foul mula kay June Mar Fajardo at nag-convert ng back-to-back layups upang bigyan ang Ginebra ng 86-83 advantage sa 23 segundo ang natitira.

Nagkaroon ng maraming pagkakataon ang San Miguel upang itali ang laro ngunit sina Chris Ross at Arwind Santos ay nabitawan ang bola sa kanilang pagtatangka na makashoot ng 3 points.

Una naming binalita ang lakas ng SMB sa best-of-7 series.

Ngayong Miyerkules, August 8, 2018, naman ang Game 6 ng San Miguel vs. Beermen para sa 2018 PBA Commissioner's Cup finals na gaganapin sa Mall of Asia Arena.

In our recent social experiment, we've asked some of our netizens about what it is like being single?

Find out what our millennials now have in mind with the word "single."

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Honesty store at PNP Manila office gets robbed by 'dishonest' patrons

Honesty store at PNP Manila office gets robbed by 'dishonest' patrons

Honesty store at PNP Manila office gets robbed by 'dishonest' patrons
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel