Pinay OFW, na-trauma nang napagbintangan na nagnakaw ng halos kalahating milyong piso ang halaga
- Malaking trauma raw ang inabot ng OFW na si Lynbie na napagbintangang kumuha ng 8,000 dollars o umaabot na sa halos kalahating milyong piso
- Bagaman at di naman siya sinaktan o inabuso o pinilit aminin, ngunit pinalalabas daw na siya ang kumuha
- Dinaan lamang ni Lynbie sa dasal at awa ng Diyos, naging maayos naman ang lahat at natagpuan nila ang pera at napatunayang wala talaga kay Lynbie
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Habang dumarami na ang kwentong pang-aabuso o pananakit ng mga amo sa mga kababayan nating OFW sa ibang bansa, Kakaiba naman ang naging karanasan ng Pinay OFW na si Lynbie.
Nalaman ng KAMI na bagaman at mabuti naman ang kanyang amo, isang di makakalimutan namang karanasana ang sinapit niya sa mga ito.
Sa kasamaang palad, nawala ang pera ng amo ni Lynbie. Mahinahon na kinausap ng mga ito kung si Lynbie ba ang kumuha. Malinis ang konsensya ni Lynbie na di siya ang kumuha kaya hinayaan niyang halughugin ng mga amo niya Ang kanyang gamit.
Di naman siya pinilit dahil wala namang nakita sa mga gamit niya ngunit di oarin maalis sa isip ni Lynbie na siya ang pinagbibintangan.
Narito ang kabuuan ng kwento ni Lynbie na binahagi niya sa KAMI:
Gud afternoon mga kbayan, kmzta po tayong lahat...?share ko lng po yong truma kong pinagdaanan noong july 31...yong employer ko nasa vacation kc ..kaya iniwan nila ako doon sa kaibigan nila.....wla nman silang problima subrang bait po nila.. wala tlga akong masabi at sila rin walang masabi sa akin...kc napakabait ko daw, yan ang lagi kong marinig sa bibig ng madam ko tuwing tatawag sya sa akin at NangungumuztA, din august 1 flyt din ng kaibigan ni madam na kung saan ako nka stay.. so july 31 ng gabi alas jes..sumama ako sa anak nya kc doon na din ako mag stay habang nasa vacation pa ang employer ko.... din ala una ng madaling araw tuwag yong kaibigan ni madam sa anak nya na pabalikin daw ako kc di daw ma tuloy ang flyt nya .. kaya dali kong hinanda ulit ang mga gamit ko.. at noong nasa bahay na kami..pag open nya ng door nakasimangot sya at sa tingin ko parang may something na nangyayari.
Piro naka smile parin ako sa kanya at sabay sabi ng SALAM madam.. at wla syang reply...at un na tinawag nya ako doon sa kwrto..at doon nya sinabi na.. lynbie masama ba ako para saU. ? At ang sabi ko no madam u r so very kind lady madam...and she answered me y do u do this for me.? At na shock ako at sabay sabi na anu bang miron?...at may problima ba? Oo sabi nya nawawala ang pira na nka lagay sa white envelop. sabi ko wla po akong nkita.. sabi nya cnu ba naman magkuha eh tatlo lng tau dito... sabi ko pwde nyo pong halongkatin ang lahat ng bag ko ...at walet ko..at hinalongkat nla kwrto ..ko at pati na katawan ko..piro wala silang nkita.. lumohod ako sa harapan nila nagmamakaawa na hindi po ako magnanakaw.. ..piro pilit parin nila akong paamin...piro paanu ko aminin na diko nman tlga kinuha.. ..at hindi rin sila nag sabi kong magkano ang halaga ng pirang un..
Hanggang kinabukasan di tlga nkita ung pira..at sabi ng madam ko ay 8000dollars daw un.. kya subrang shock po ako kc mga half milyon na un sa piso natin.. ..kahapon dasal ng dasal lng tlga ako at pati na mga relatives ng employer ko na sana mkita un...at kagbie may kumatok sa pinto nmin.. kc nga dito na ako nkatira ulit sa bahay ng employer ko ..at dalawa lng kami dito ni baba. At noong nkita ko ay yong anak ng kaibigan ni madam agad kong binuksan ang pinto at diretso nya akong niyakap at sabay sabi na nkita na ang pira. Kaya naiiyak na nman ako piro sa subrang tuwa na po kc dininig ng dios ang aming panalangin lahat.. nkita nya ang pira na naka lagay pla sa old wallet ng mama nya at nasa loob ng drawer na nkalagay kaya himingi sila lahat ng sorry sa akin.. at sabay abot ng 100dollar sa akin kc hadiya ko daw un.
Dalawang beses ko binalik ang hadiya kc ayaw kong tanggapin at sabi ko yong sorry nyo lng ay ok na ako....piro sabi nya tanggapin kc sa aming mga muslim pagbinigyan ka tanggapin mo tlga at lalo na sau na napagkamalan ka na ikaw ang nagnakaw ng pira.. kaya un tinanggap ko.. .. piro sa totoo yong sakit at hiya na nararamdanan ko ang hindi po mababayaran ng milyong halaga.. piro salamat parin sa panginoon kc di nya ako pinabayaan...kaya wla tayong dapat kinatakotan kong hindi tau gumagawa ng kasamaan.. kaya mananaig parin ang katarungan.. kaya ngayon back to normal na ako. Piro yong truma dama ko parin hanggang ngaun pasinsya na mga kabayan sa haba ng story ko.. share ko lng po para naman sa simpleng comment nyo ay makadagdag ng lakas ng loob parang manombalik ang aking sigla......at ngaun sinabi nila na ang mga pilipino is all good.. kaya di lng ako ang good, kon di tayong lahat what is pilipino dba?.. kaya god is good all the time. God bless po sa ating lahat na mga kapwa kong ofw lalo na dito sa gitnang silangan...Salamat ....
Opo kabayan ...subrang sakit po..yong halos ka mababaliw sa kaiisip ..piro pasalamat parin ako sa dios kc di nya ako pinabayaan po..slmt kbyan sa pagbasa ng msg ko po khit medyo mahaba po
How do single people live? Do they suffer from loneliness, or are they truly happy without a romantic relationship? Netizens Speak Up: What Is It Like To Be Single? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh