"Hate is a strong word," Sissums' Toni at Alex Gonzaga nagbasa ng harsh comments online

"Hate is a strong word," Sissums' Toni at Alex Gonzaga nagbasa ng harsh comments online

- Isa sa mga pinakamamahal ng sambayan na magkapatid sa Philippine showbiz ay sina Toni at Alex Gonzaga

- Pero ganun pa, kahit higit sa apat na milyong followers na, na mayroon sila sa kani-kanilang mga Instagram accounts ay tila may hindi pa rin gusto sila at binabash pa sila

- Gayunpaman, makikita mo talaga na napalaki ng tama ang Gonzaga sisters o mas kilala sa tawagan nilang sissums dahil na din sa kanilang mga cute, funny, humble, at inspiring na tugon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon pa nga sa isang sikat na kasabihan, " ang puno na hitik sa bunga ay madalas binabato para makuha ang bunga," at masasabi natin na ang magkapatid na sina Celestine "Toni" Cruz Gonzaga-Soriano at Catherine "Alex" Cruz Gonzaga ay dalawa lamang sa mga sikat at malalaking pangalan sa showbiz.

Si Toni Gonzaga ay kilala sa showbiz sa maraming mga titulo kagaya ng Romantic-Comedy Queen at Ultimate Multimedia Star o Superstar.

Ito rin ay dahil na din sa kanyang mga achievements sa lahart ng larangan sa media gaya ng pagkanta, pagpapatawa, pag-acting, pagsayaw, pagperform sa mga concerts, pananamit, estilo, at higit sa lahat, ang paghohost.

Hindi din matatawaran ang angking kagandahan niyang maging isang good example or role model ng kabataan.

Ngayon naman, ang nakakabatang kapatid na si Alex Gonzaga ang sumunod sa yapak ng kapatid.

At ngayon, si Alex ay mas sumikat sa online world, sa social media, at paggawa ng kanyang mga nakakatawang vlogs na always trending naman talaga.

Subalit, sa kanilang mga magagandang katangian, napag-alaman ng KAMI na mayroon pa ring mga taong hindi sila gusto, at ang iba naman ay matindi ang pangbabash na ginagawa sa magkakapatid.

Sa bagong vlog ni Alex Gonzaga sa YouTube ay nagbasa ang mag-sissums ng mga harsh comments ng mga netizens online at may iba na talaga namang below the belt pero imbis na magalit at suklian ng galit ang mga ito ay pagmamahal, katatawanan, at mga lessons ang kanilang binahagi sa mga ito.

How would you react if you hear someone farted or talking about funny stuff while on the phone? Watch the video below and get amused by how people reacted to our social experiment!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Calvin Abueva, napa-private ng Instagram dahil sa sobrang pangba-bash ng netizens

Calvin Abueva, napa-private ng Instagram dahil sa sobrang pangba-bash ng netizens

Calvin Abueva, napa-private ng Instagram dahil sa sobrang pangba-bash ng netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel