Dating estudyanteng pasaway, magbababalik sa dati niyang paaralan para magturo

Dating estudyanteng pasaway, magbababalik sa dati niyang paaralan para magturo

- Walang pagsidlan ng kaligayahan ang guro na si Yayo Banzuela nang malaman na anag dati niyang estudyanteng pasaway ay naging matagumpay sa buhay

- Naging guest speaker pa raw ang dating pasaway na estudyanteng si Jemuel Morato sa kanilang paaralan at magiging guro na rin ito roon

- Bukod sa pagiging isang lisensyado nang guro, may kaalaman at talento rin daw si Jemuel sa photography at graphic artist kaya naman labis ang kasiyahan ng kanyang datin guro at magigi na ring katrabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng super proud na teacher na si Ma'am Yayo Banzuela ang kwento ng kanyang dating pasaway na estudyante na si Jemuel Morato.

Nalaman ng KAMI na laking gulat ni Ma'am Yayo nang malaman na lisensyadong guro na ang dating sakit sa ulo niyang estudyante. Di lang iyon, talentado pa si jemuel dahil isa na rin siyang graphic artist at nagbabahagi rin niya ang kanyang kaalaman sa photography.

Dating estudyanteng pasaway, magbababalik sa dati niyang paaralan para magturo

image: Yayo Banzuela facebook

Naging guro na rin si Jemuel sa mga magagandang pribadong paaralan gaya ng Morning Star Montesorri School at St. Benilde International School.

Produkto si Jemuel sa Alternative Learning System. Dahil sa tagumpay na natamasa at matinding pagbabago sa kanyang buhay, naimbitahan siya bilang maging Guest Speaker sa institusyon kung saan din siya nagtapos.

Dating estudyanteng pasaway, magbababalik sa dati niyang paaralan para magturo

source: Kicker Daily

Kaya naman super proud ang dati niyang guro na si Ma'am Yayo dahil di niya inaasahan ang mga achievements na natamasa ni Jemuel na dating pasaway.

Nadagdagan pa ang kasiyahan ng guro dahil magiging kapwa guro na rin niya si Jemuel na magbabahagi na rin ng kaalaman niya sa dati niyang paaralan.

Dating estudyanteng pasaway, magbababalik sa dati niyang paaralan para magturo

source: Jemuel Morato facebook

Talaga raw isang malaking inspirasyon si Jemuel sa ibang kabataan. Maaring pasaway man sila noon ngunit dahil sala ay bata pa man, maari pa talagang mabago ang kanilang kapalaran.

Gaya ni Jemuel, maraming kabataan ngayon na aakalain nating magiging patapon ang buhay. Ngunit dahil sa mismong determinasyon niyang magbago, naging matagumpay pa rin ang dating pasaway.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel