Dating OFW, mas malaki na ngayon ang kinikita sa 'Garlic business' kaysa noong siya ay nasa Hong Kong pa

Dating OFW, mas malaki na ngayon ang kinikita sa 'Garlic business' kaysa noong siya ay nasa Hong Kong pa

- Binahagi ng dating Pinay OFW na si Carolyn Garaza kung paano niya mas napagtagumpayan ang kanyang Garlic business kumpara noong siya ay nag-a-abroad pa

- Matapos ang apat na taon sa Hong Kong, naka-ipon siya at naisipan na lamang na magtayo ng negosyo na di niya inakalang mas malaki pa ang kikitain niya kaysa noong naninilbihan pa siya sa Hong Kong

- Isang buhay na patunay si Carolyn na di kailangang magtrabaho sa abroad buong buhay mo para lamang masustentuhan ang iyong pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa panahon ngayong dumarami na ang mga kwentong OFW kung saan nababalitaan natin silang namamaltrato o naabuso, nakatutuwang isipan na ang ilan naman pala sa kanila ay naging matagumpay at nakabalik sa bansa ng may naghihintay na magandang oportunidad.

Gaya na lamang ng kwento ni Maricel Tabag na dating nanilbihan bilang OFW sa Hong Kong, Labag sa kalooban noon ni Carolyn ang lisanin ang kanyang pamilya at mangibang bansa. Ngunit dala ng matinding pangangailangan, napilitan siyang umalis.

Matapos ang apat na taon na makikipagsapalaran sa Hong Kong, nagkaroon naman ng sapat na ipon si Carolyn dahilan upang makabalik na siya sa bansa.

Dito naisipan niyang magtayo ng sarili niyang negosyo at naisip niya ang garlic trading dahil sa ang lugar nila sa Pasuquin at isa sa may pinakamagangdang produksyon ng bawang sa bansa.

Dating OFW, mas malaki na ngayon ang kinikita sa 'Garlic business' kaysa noong siya ay nasa Hong Kong pa

source: supplied

Sa tulong daw ng proyektong Of-Red, mas lalo niyang napalago ang negosyo hanggang sa naging garlic and onion trading na ito.

Di rin niya akalain na darating sa punto na mas malaki na ang kinikita niya sa sarili niyang negosyo kumpara noong siya ay naninilbihan pa sa bansang Hong Kong.

Bukod sa magandang takbo ng negosyo, isa pa sa pinagpapasalamat ni Carolyn ang biyaya ng araw-araw pa niyang kasama at nauuwian ang kanyang pamilya. Bagay na di rin niya noon nagawa noong siya ay nasa abroad pa.

Si Carolyn ay isang buhay na patunay na marami pa rin namang oportunidad sa ating bansa. Di mo kailangan na manilbihan buong buhay mo sa ibang bansa sa pag-aakalang mas gaganda ang buhay na maibibigay mo sa iyong pamilya. Gaya ni Caroln, tamang diskarte at sipag lamang dito sa ating bansa, tiyak na aasenso ka.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Simula na sa Nobyembre! ₱10 minimum na pamasahe sa jeep, aprubado na

Simula na sa Nobyembre! ₱10 minimum na pamasahe sa jeep, aprubado na

Simula na sa Nobyembre! ₱10 minimum na pamasahe sa jeep, aprubado na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel