Pasahero ng jeep, halos maiyak nang marinig ang pagsagot ng pabalang ng anak sa ina na bulag
- Nabahala ang isang pasahero ng jeep na nakasaksi kung paano sinagot sagot ng isang anak ang ina niyang bulag
- Binahagi ng netizen ang naging usapan ng mag-ina at halos gusto na aniyang itulak palabas ang bata dahil sa di magandang pagsagot sa may kapansanan niyang ina
- Iba't iba ang naging reaksyon ng mga netizen na nakabasa ng post at karamihan ay naungkot sa asal ng anak habang ang ilan ay nagnanais na maturuan ng leksyon ang dalagita
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Binahagi ng isang netizen na si Jaycee Lacote ang nasaksihan niyang pag-uusap ng mag-iina sa jeep.
Nalaman ng KAMI na labis na nadurog ang puso ni Jaycee dahil sa sinasagot sagot ng mas nakatatandang anak ang kanyang ina.
Ang masaklap kasi, bulag ang ina na pinakmamaktulan ng anak. Pagsampa pa lang daw kasi ng jeep, kita na sa mukha ng isang anak na nakadilaw na nakasimangot na ito hanggang sa nag-usap na nga sila ng kanyang anak.
Humingi raw ng pasensya ang ina at naabala pa raw niya ang mga anak niya sa paghahatid sa kanya. Pabalang na agad na sumagot ang panganay na anak at nagreklamo na lagi nalang silang ginigising ng maaga at nagpapahatid ang ina sa kanyang trabaho.
Bakas sa mukha ng ina ang lungkot at sinabing kung kaa lang daw niya at kung nakakakita sana siya, di na niya aabalahin pa ang kanyang mga anak sa paghahatid sa kanya.
Lalong nagulat at. Nabahala ang pasahero ng jeep nang sagutin muli ito ng anak at sabihing "Bakit ba kasi nabulag ka pa! Naiistorbo mo pa kami!"
Kitang kita raw sa mukha ng ina ang ina na di na muling nakasagot. Nadurog daw talaga ang puso ni Jaycee, ang pasaherong nakasaksi sa usapan at halos gusto niyang sampalin ang anak na sumagot sa ina.
Kwento pa ni Jaycee na maski siya ay halos maiyak na rin at pakiramdam niya ay nabiyak din ang puso niya dahil sa kawalan ng respeto ng bata sa inang bulag na nagsususmikao naman na buhayin sila. Gaya na lamang ng naunang naikwento ng KAMI kung saan kahit 72 taong gulang na ang lolo ay matiyagang nagtitinda pa rin ng ice cream mag-isa. Gaya ng lolo, ayaw maging pabigat ng ina sa lipunan kaya naman kahit sila ay bulag, naghahanapbuhay pa rin sila gaya ng mga normal na tao.
Sana manlang daw, maisip ng mga bata lalo na ng nakatatandang kapatid na yun na lamang ang maitutulong sa kanilang ina na nagbabanat pa rin ng buto may maipakain pa rin at maitustos sa kanilang magkapatid.
Mapalad pa raw ang mga batang iyon dahil naranasan nila ang pagmamahal ng isang ina. Ang pasaherong si Jaycee kasi ay di naranasan ang pagmamahal ng isang ina kaya naman ganun na lamang ang naging reaksyon niya ng marinig ang naging usapan ng mag-ina.
Samantala, ganung na lamang ang ngitngit ng ilang netizens na nakabasa ng post. nais nilang maturuan ng leksyon ang batang sumagot sagot sa bulag na ina. Ang ilan naman ay nais matulungan ang ina upang di na ito magbiyahe papunta sa kanyang trabaho. Habang ang ilang netizens naman ay naramdaman din ang naramdaman ni Jaycee kung saan halos mabiyak ang puso nila sa ginawang pagbagsak ng masasakit na salita sa ina mua pa mismo sa kanyang anak.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Grabe naman itong batang ito. Napakaswerte niyang may ina pa siya at responsable kahit pa bulag. dapat maturuan ng leksyon ang batang iyan!"
"Walang modong bata, mukhang dalaga naman na at pwede nang tulungang maghanapbuhay yung ina. grabeka-bastos!"
"Balang araw, magsisisi din yang anak na yan. baka makarma siya!"
"Sana matulungan na kang si nanay. magkaroon ng kabuhayan na nasa bahay lang para di na umalis. sa anak, hija mahalin mo nanay mo. tinatanong mo bakit nabulag pa? pero tingnan mo naman nagtatrabaho pa rin para sa iyo. sana maisip moiyon"
"Kakainin din ng batang iyan ang sinasabi niya. kung ako ang kasakay niya sa jeep, sasabihin ko na mag-sorry siya sa nanay niya! walang pusong anak. bata pa lang bastos na. pano kung nagkaroon na rin siya ng trabaho baka lalo niyang pabayaan ang ina"
This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh