SAP Bong Go magiging coach daw sa pelikula ni Stephen Baldwin

SAP Bong Go magiging coach daw sa pelikula ni Stephen Baldwin

- Tila makikita natin ang mukha ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go sa mga big screen hindi lang sa billboards

- Dahil magka-cameo appearance daw si SAP Bong Go sa pelikula na gagawin ng Hollywood actor na si Stephen Baldwin

- Gaganap umano si Bong Go na isang coach sa nasabing pelikula na may pamagat na "Kaibigan" na tungkol sa masamang epekto ng mga bisyo gaya ng dr*ugs

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita na nakuha namin mula sa Rappler, sa isang mensahe umano para sa mga reporters noong Huwebes, August 2, 2018, sinabi umano ni SAP Bong Go na gaganap siya ng papel ng isang coach sa nasabing Hollywood film ni Stephen Baldwin.

Napag-alaman ng KAMI na ang pamagat ng naturang pelikula na ipapakita umano ang masamang epekto sa mga maling desisyon gaya ng pagkalulong sa droga ay "Kaibigan."

Sinabi daw ni Go sa news source na gaganap siya na siyang basketball coach, na ayon naman sa naturang balita ay isang "big fan" ng nasabing sport ang longtime aide ni President Rodrigo Duterte.

Dagdag pa sa ulat, si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson ay gaganap na isang reporter daw, na binalita namin kamakailan lang.

Ayon pa daw sa film producer ng nasabing pelikula na si Tarney Perkins, ang role ni Asec Uson bilang reporter ay irereport daw ang:

"good things that are happening to the community"

Ito ay ayon na din umano sa quoted statement ng producer ng ABS-CBN News.

Dadalo naman daw si President Rodrigo Duterte sa nasabing premiere ng pelikula.

Pahayag pa ng Hollywood actor kay President Duterte tungkol sa pelikula ay para makapahayag ng importanteng mensahe sa kabataan sa mga kahihinatnan ng pagpili ng maling mga choices sa buhay, ayon pa umano sa press release.

Recently, our group did another social experiment, and this time, our aim is the safety of the children in public places.

How safe are they in public places?

Find out and learn how it ended with the video below.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Simula na sa Nobyembre! ₱10 minimum na pamasahe sa jeep, aprubado na

Simula na sa Nobyembre! ₱10 minimum na pamasahe sa jeep, aprubado na

Simula na sa Nobyembre! ₱10 minimum na pamasahe sa jeep, aprubado na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel