10-year-old Fil-Am, winasak ang 23-year-old record ni Olympian champion Michael Phelps!

10-year-old Fil-Am, winasak ang 23-year-old record ni Olympian champion Michael Phelps!

- Nag-ingay ang 10-year-old na Fil-Am swimmer sa Amerika na si Clark Kent Apuada dahil sa paggiba ng 23-year-old record set ng nag-iisang Olympian champion Michael Phelps

- At ang kanyang panalo ay kinilala at pinuri ng Olympian champ mismo na si Michael Phelps sa pamamagitan ng isang tweet

- Si Clark na kinilala din ng kanyang mga kaibigan at pamilya na Superman ay tila pinanindigan ang kanyang palayaw dahil sa pagsira ng record ng isang Olympian champion

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ito nga ang bagong pinag-uusapan ngayon sa balita na hatid ng GMA News Online, kung saan namin unang naispatan ang nakakabilib na tagumpay ng 10-year-old Filipino-American na si Clark Kent Apuada na kilala din sa tawag na Superman.

Napag-alaman ng KAMI na ang batang swimmer ay nagcompete kamakailan lang sa "boys 10 and under, 100-meter butterfully" sa Far Western Swimming Championship, at pinanalo niya ito sa oras na 1:09:38.

Noong 1995, ang Olympian champ na si Michael Phelps ay nagset ng record sa parehong kategoriya sa "same swim meet" sa oras na 1:10:48.

Tinalo nga niya ang record ni Phelps ng higit isang minuto.

Ayon naman sa coach ni Clark at CEO ng Salinas Aquatic Center na si Dia Randa, nilarawan niya ang batang kampeon na isang 5th grader na:

“An exceptional young man who has incredible motor skills and he was able to pick that up pretty quickly.”

Dagdag pa umano ni Randa:

“Clark is a straight-A student at his school. He’s very, very high level in the martial arts…I know he’s high belt level in karate and jiu-jitsu and that works for swimming because it teaches him the motor skills that are great for being perfect in the water. He’s a musician also, he plays the piano and he’s actually pretty talented.”

Naging espesyal daw ang lahat sa bata na ang kanyang idolo na si Michael Phelps ay kinilala ang galing niya at kinongcongratulate siya sa isang Twitter post.

Laman na ang bata sa balita sa buong mundo.

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Buwis buhay para sa friendship! 2 Pinay, tinulungan ang kaibigan nilang ikinulong ng amo

Buwis buhay para sa friendship! 2 Pinay, tinulungan ang kaibigan nilang ikinulong ng amo

Buwis buhay para sa friendship! 2 Pinay, tinulungan ang kaibigan nilang ikinulong ng amo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel