Mabilis naka-move on? Robi Domingo, inaming may kapalit na sa puso niya si Gretchen Ho

Mabilis naka-move on? Robi Domingo, inaming may kapalit na sa puso niya si Gretchen Ho

- Inanunsyo na ng TV Host na si Robi Domingo na may bago na siyang dini-date

- Ito’y mahigit isang taon matapos makipaghiwalay sa volleybelle na si Gretchen Ho

- Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye si Robi bukod sa pag-amin na masaya siya ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inamin ni Robi Domingo na may bago nang nagpapatibok sa puso niya ngayon mahigit isang taon matapos ang naging hiwalayan nila ng ex-girlfriend na si Gretchen Ho.

Nalaman ng KAMI na ang dini-date ngayon ng 28-anyos na TV Host ay isang non-showbiz girl.

“My love life is better, I guess. I am (seeing someone) right now,” pasaring ng Kapamilya star.

Ipinahayag din ni Robi sa entertainment website na PUSH na hindi niya inaasahang makakatagpo siya ng bagong mamahalin ngayong taon lalo na’t mainit pa rin ang issue tungkol sa kanila ni Gretchen.

“It was unplanned and maybe this time, gusto ko muna maging private about this information,” tugon ni Robi.

Sa kabila ng limitadong impormasyon na ibinigay ng dating Pinoy Big Brother housemate, siniguro niyang mas masaya ang estado ng kaniyang buhay pag-ibig ngayon.

“It was totally unexpected. But I am happy. Happier than what happened in 2017,” pag-amin ni Robi.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, nabigla ang netizens nang mag post ang TV Host ng larawan ng kaniyang paa na may mga galos at pasa.

Bukod sa pagiging Host, si Robi ay kilala bilang isang VJ, aktor, at dancer. Sumikat siya matapos itanghal na first runner up sa reality show na PBB Teen Edition Plus noong 2008.

Noong 2013, inamin ni Robi na nakikipag date siya sa noon ay student-athlete na si Gretchen. March 1, 2017 nang i-anunsyo ng dalawa sa Tonight With Boy Abunda ang kanilang hiwalayan.

What will you do if someone walks up to you and your girlfriend in the street and ask you for her number? It’s a pretty awkward situation, isn’t it? You just need to imagine how you would react, while the “victims” of this Philippines prank had to answer this question! – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel